“Ano bang gusto mo ha?”
Naglaho ang ngiti sa labi ni Tamara saka seryosong tumitig sa mga mata ni Eric. “Si Clarence. Gusto kong tulungan mo akong sirain sila nang asawa niya. Dahil iyon ang nararapat sa babaing iyon at sa ina niya.”
Nakuyom ni Eric ang kamao, dala nang labis na irritasyon. Bakit kailangang maulit na naman ang
sitwasyon niya noon.
“Kapag tinulungan mo ako, wala akong sasabihin.”
“Anong gusto mong gawin ko?”
“Malapit nang manganak si Moira, kunin natin ang anak nila ni Clafence at pagkatapos kailangan makasama ko si Clarence ng isang gabi para sa isang magandang palabas. lyon lang naman. The rest… mangyayari ayon sa gusto ko,” kumpiyansang saad nito.
“YURI, huwag mong sabihing pupuntahan mo si Daisy?” saway sa akin ni Zade nang paki–usapan ko si Dan na dalhin kami sa bahay ni Tita Daisy.
“Zade, alam na ni Tita Daisy ang tungkol kay Baby Zen. Baka sabihin niya kay Tamara. Hindi puweding—” “Yuri, hindi sa gusto kong maging makasarili. Pero hindi ikatutuwa ni Clarence kung makiki–alam ka pa sa sitwasyon. Kailangan ring malaman ni Moira ang totoo. Kasal na sila kaya bakit ka pa nag–aalala.”
“Pero paano kong…” muli na naman akong natigilan nang hawakan ni Zade ang kamay ko.
“Ang Daisy na ‘yon. Marami nang ginawang kasaman. Hindi natin masasabi ang takbo nang isip niya kung ikaw ang lalapit. Kaya mas makakabuting si Clarence ang umayos nang problema nila.” ani Zade na kinuha na ang phone nito.
“Zade…” iling lang ang isinagot nito. Saka nagdial, Niloudspeaker nito ang phone nito. Maya maya lang ay sumagot na si Clarence.
“May sasabihin ako, mag–isa ka ba?”
“Oo bakit? Nagdadrive ako,” malamig na sagot ni Clarence.
“Iyong si Tamara, nasa bahay nang Tita mo.”
“Ano? Putang inang babae ‘yon.”
“Puntahan mo na at alamin kung talagang alam na niya ang tungkol kay baby—” hindi na natapos ni Zade ang sasabihin nang nawala na lang sa linya si Clarence.
“Ano ka ba?” pikang reklamo ni Yuri.
“Bakit ba, hayaan mo na si Clarence na ayusin ang problema niya. At ikaw, magdate na muna tayo. Alangan namang ang Daddy mo lang ang nakikipagdate sa mahal niya diba. Dapat tayo din,” nakangiting
saad nito.
alt
171 Banta
+25 Points
MALAPAD ang ngiti ni Daisy matapos ang tawag. Plano niyang paniwalain si Yuri para magawa niya ang nais niya dito. Nagpasya siyang bumaba at pansin niyang mukhang seryoso ang pag–uusap nila Eric at
Tamara.
Hindi pala–kaibigan si Eric kaya nakapagtataka si Daisy sa tila masensinang pag–uusap nang mga ito. At
kaagad nanahimik si Eric nang palapit na siya.
“Tapos na kayong mag–usap?” usisa niya dito. “Tamara mas fabuting magstay ka muna. Sa tingin ko pupunta dito si Yuri,” aniyang nakangiti.
Sa tingin niya si Clarence lang naman ang habol ni Tamara kaya wala pa itong alam tungkol kay baby Zen. Saka na niya ipapaalam ‘yon sa babae kapag nasiguro na niyang mapapakinabangan niya ito.
“Sa tingin ko Ma’am hindi siya matutuwang makita ako. Kaibigan niya si Moira.*
“Bakit kailangan bang matuwa siya?” balik tanong ni Daisy na ikinatitig dito ni Eric. At ikinangiti naman ni
Tamara
“Anong plano n’yo?”
“Gawin ang nararapat, ikaw Miss Fernandez… kung talagang malakas ang loob mo, kaya mo bang gawin ang ipapagawa ko sa’yo para tulungan kitang makuha mo si Clarence?”
“Ma’am Daisy,” gulat na sambit ni Eric. Pero tila hindi nito na rinig ang protesta ni Eric.
“Gagawin ko ang lahat, Ma’am, kahit ano pa yan,” walang alinlangang sagot ni Tamara.
“Good, darating si Yuri ngayon,” kompiyansang saad ni Daisy.
Pero hindi pa man nagtatagal ay dinig niya ang pagbukas nang bakal na gate. “Mukhang masyado siyang nag–alala para sa kapatid niya,” ani Daisy pero ganun na lang ang pagkagulat nito nang si Clarence ang
dumating.
“Clarence, son?” bigla ay inataki nang panic si Daisy. At maging si Tamara ay ikinagulat ang pagdating ni
Clarence.
“Bakit nandito ka ha?” mabalasik na tanong ni Clarence kay Tamara na namutla.
r
“Ah kasi…”
“Tita, bakit mo tinawagan si Yuri para papuntahin dito?”
“Anak kasi,…” kita ni Daisy ang pagtiim nang bagang ni Clarence na tila nagpipigil ng emosyon. Kaya inataki siya nang kaba.
“Please don’t do that again. Problema ko ang babaing ‘to kaya kung ano man ang sinasabi niya sa akin n’yo ideretso.” Madilim ang matang utos ni Clarence kay Daisy.
“At ikaw.. hindi ka ba marunong mahiya. Alam ko nang sinadya mo ang nangyari noon sa bar. Kaya huwag kang umasa na magugustuhan kita.” madiing saad ni Clarence saka mabilis na humakbang palapit kay
Tamara.
alt
< 174. Banta
+25 Points
Makikita ang panic sa mukha nang babae kaya mapa–atras ito. “Huwag mo akong piliting mabwisit sa’yo, Tamara Kung ayaw mong pati ang negosyong ipinamaña nang ama mo sa’yo. Mawala oa. Binabalaan kita! Huwag mo akong buwisitin dahil hindi mo magugustuhang galitin ako!”
“Clarence, huwag ka namang-
“Hindi ba dapat pinapaalis mo na ang babaing ‘yan. Bakit ini–entertain mo pa dito sa bahay na bigay sa’yo nang daddy ko?” napalunok si Daisy sa nakikitang galit sa mga mata ni Clarence. Sa ilang taong nakasama niya ang binata, kahit minsan ay hindi niya nakitang magalit ito ng ganun.” Bilang ex–wife ng ama ko at itinuring kong ina, hindi ba dapat concern ka sa akin?”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)