177: Konsensya–2
“Punyeta! Napakahayop mong babae ka,” gigil na sigaw ni Daisy.
“Tsk.. Tsk.. ‘Wag mo ngang sabihin ‘yan. Parehas lang naman tayong gagawin ang lahat para sa pera at marangyang buhay eh–”
“Hindi ako katulad mo, Natasha. Ginawa ko ‘yon para sa lalaking mahal ko. Kaya huwag mo akong itulad sa’yo,” may diing tangi ni Daisy.
“Fine..fine ang dami mo nang sinabi. Padala mo na ang pera at gusto naming kumain ng masarap ngayon.”
“Ano! Sinong…”
“Wala, sige na, antayin ko ha, kapag walang dumating na pera ngayon, alam mo nang kasunod…”
nakatawang saad ni Natasha at tuluyan nang tinapos ang tawag.
“ANONG GINAWA nang lalaking ‘yon! Bwisit!” Pikang sambit ni Alpha nang bigla itong pumasok sa office
Dahil sa katatapos lang na balita tungkol sa ginawang pagsuko ni Eric. “Gusto ba niyang akuin ang lahat. Ano siya bayani?” gigil na lintaya nito.
“Hindi ko rin alam ang sasabihin. Pero hindi basta–basta gagawin ni Eric ang ganung bagay. Sa tingin ko may dahilan—”
“Well baka natakot rin siya at nakokonsensya, kapag lumabas na si Tita Charlene.”
“Siguro, pero hindi niya inaming buhay si Mama kahit alam naman niya? Sigurado akong may kinalaman si Dad o si Clarence sa ginawa niya. Kaya kumalma ka lang.”
“Paano ako kakalma, ilang taon kong pinaghirapan na maipakulong ang babaing ‘yon. Tapos iba na naman ang aako nang lahat. Nakakapikon ‘yon.”
“Nauunawan kita Alpha. Pero… hindi sapat ang mayroon tayo para idiin si Tita Daisy. At bukod doon, ilegal na nacquire ang mga ebidensya na hawak natin, siguradong ibabasura nang korte ang mga ‘yon.”
“Bwisit na batas na ‘yan,” pikang sambit ni Alpha.
“Tinawagan ako ni Dad, ipinapahanap na nila si Natasha. Nasa kanya ang mga phone records ni Mama. Ninakaw nila iyon na iyon sana ang maglalabas nang lahat nang kasinungalingan ni Tita Daisy.”
“Totoo ba ‘yan,” anitong kumalma na rin.
“Oo, mas mapapadali tayo kong siya ang mahahanap natin. Lalo’t kailangan rin niyang pagbayaran ang ginawa niya kay Gener.”
“Okay, ang babaing ‘yon ang ipapahanap ko sa mga tauhan ko.” ani Alpha na madilim ang mukhang umalis
Nauunawan ko naman ang damdamin nito. Kahit ako gusto kong maipakulong si Tita Daisy. Dahil alam ko
$177, Konsene
na kung magiging malaya siya, hindi magiging masaya si Mama Charlene. Siguradong matatakot siya.
Nasa malalim akong pag–iisip nang biglang magring ang intercom sa tabi ko. Saka ko napatingin sa oras sa laptop ko bago ko inangat ang receiver. “Hello Ma’am Yuri, nandito na po ang Mister mo,” kinikilig na anunsyo ni lya sa kabilang linya. Napasulyap ako sa salamin para i–check ang sarili ko. Saka ko in–off ang laptop ko.
Ilang sandali pa ay bumukas na nang pinto nang office ko. Inituwa doon ang asawa kong walang kupas ang tagalay na kaguwapuhan. At hindi nakaligtas sa mata ko ang dalang bulaklak ni Zade kaya napatayo ako para salubungin ito.
“Ang tagal ko ba?” anitong ginawaran ako nang masuyong halik sa labi.
“Okay lang. Uwi na tayo.” yakag ko dito saka ko dinampot ang bag ko at kumapit sa braso ni Zade. “Ang ganda naman nito,” komento ko nang iabot sa akin ni Zade ang dala nitong mga puting rosas, saka
magkahawak kamay pa kaming lumabas sa private office ko.
“Ingat kayo pag–uwi,” sabay pang saad nila Emma at lya na kapwa nakangiti.
“Uwi na rin kayo okay,” bilin ko sa mga ito. Saka magkahawak kamay kaming lumabas nang office ko at
sumakay sa lift.
Nasa ground floor na kami. At naghihintay nga sa parking si Dan. “Pasensya na kung hindi na kita naipagda–drive ngayon, mas gusto ko kasing katabi kas a backseat,” ani Zade na nakangiti.
“Mas okay sa akin ‘yon.” Mahinang sang–ayon ko kay Zade. Nagawa ko pang idikit ang ulo ko sa matipunong braso nito. Kaya napatingin rin ito sa akin. Nang biglang may nagmamadaling babae ang di sinasadyang nabanga kami kaya muntik na akong mátumba kung hindi ako naalalayan ni Zade.
“Ano ba mag–ingat ka naman,” galit na sighal nito sa isang babaing nakasunod sa babaing tumakbo.
“Ano bang sinasabi nito–”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)