“Wendel, pagkatapos nang ginawa mo. Sa tining mo deserve mo pang bumalik. Kung hindi nga lang kita kamag–anak baka pareho kayo ni Romulo na nawalan ng trabaho.”
“Bakit ba napakahirap mong kausap ha, alam mo ba kung gaano kahirap ang sitwasyon ko ngayon. Wala ka bang awa?” usig nitong kita kong pagkuyom ng kamao nito. Hindi ko naman kailagan makita pa ang galit na ekspresyon ni Wendel. Sapat na ang alsadong tinig ito para malaman ang emosyon nito.
“Wendel, para sa isang taong gumawa nang pagnanakaw sa kompanya, hindi ba masyadong makapal ang
mukha mo para hilingin ang ganyan,” usig ko dito. Dinig kong mahinang nagmura si Wendel. Saka ito
naglakad palapit sa direksyon ko.
“Bakit, ganun ka ba kalinis ha? Masyado kang mapagpangap, Zade Larzon,” gigil na usal nito.
“Isipin mo na ang gusto mong isipin. Pero buo na ang pasya ko. Kung nahihirapan ka sa trabaho mo
ngayon, magresign ka na. Iyon lang ang option mo.”
“Bullsh*t!” sigaw nitong pinalo ang mesa ko. “Pagsisisihan mong pinahihirapan mo ang buhay ko, Zade
Larzon,” asik na banta nitong dinuro pa ako.
“Sige lang, pero sana huwag mo ring pagsisihan ‘yan sa huli ang gagawin mo. Tandaan mong, lahat nang taong gumagawa nang masama sa kapwa nila, walang nakukuhang mabuti sa buhay,” kalmadong sermon
ko na ikinatawa nito nang pagak.
“Akala mo kung sino ka? Gusto ko lang namang magsimulang iahon sa putikan ang pamilya ko, bakit hindi mo maunawaan ‘yon?” sigaw na sumbat nito.
“Ako ba ang naglubog sa’yo sa putikang tinatapakan mo. Ayaw mong matulad sa ama mo, pero iyan na rin ang ginagawa mo hindi ba? At mas malala pa. Kumampi ka pa sa taong pumatay sa ina nang asawa ko.”
“Anong pinagsasabi mo d’yan? Wala kang—”
“Paano ka nakapasok dito?” ang pikang tinig ni Javier ang nagpalingon sa akin sa may pinto. “Wala kang appointment kaya umalis ka na…” kalmadong taboy ni Javier dito ng makalapit.
“At talagang…sino ka ba para—”
“Assistant ko siya, trabaho niyang i–reject o tangapin ang taong gustong makipag–usap sa CEO. Hindi mo ba alam ‘yon?” Baliwalang sermon ko dito. Na muling ikinamura ni Wendel.
“Hindi pa tayo tapos, kapag hindi mo ako ibinalik sa dating position ko, humanda ka sa akin.” Banta nitong tuluyan na ring umalis.
“Pasensya na sir, ayos ka lang ba?” dinig ko ang pag–aalala sa boses ni Javier.
“Mas dapat ata kong magpanic sa concern mo ngayon. Mata ko lang ang may problema, Javier. Pero hindi naman ako bulag at bingi. Sa totoo lang naging normal ang pakiramdam ko ngayong nirant ako ni Wendel. Kaya bumalik ka rin sa dating pagtrato mo sa akin. Huwag mo akong masyadong kaawaan, naiinis lang
ako.”
“Nag–alala lang ako, ala mo namang— haist. Pambihira! Kasalanan ko pa pala.”
“Siguro mas nalulungkot ko dahil na rin sa sa’yo. Pakiramdam ko nagiging masyado akong dependent sa’yo lately kaya ganito. Hindi pa naman daw ako mamamatay diba.”
“Huwag mo ngang sa—-”
“Anong mamamatay ka?” nanlaki ang mata ko nang makita ko ang kunot ang noong mukha ni Yuri kaya napatayo ako para salubungin ito. “Bakit may sakit ka ba ha?” panic na tanong nitong bakas ang pag–aalala
sa mukha.
Ito na siguro ang pinakaweird na bagay sa buhay ko. Dahil wala kong ibang kayang makita kundi ang
asawa ko.
“Si Wendel kasi… galit na galit at nagbanta pang gagantihan ako, kapag hindi ko siya ibinalik sa trabaho niya dito. Pasaway—”
“So ano ganun lang, nagbabanta siya, paano kong saktan ka nga niya.”
“Ano ka ba, para ka rin itong si Javier. Halika na nga dito, gusto kong makakita nang maganda. At ikaw,” baling ko kay Javier. “Labas na, nandito na misis ko,” taboy ko kay Javier na nagkamot na lang saka
umalis.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)