184.Who Pull the Trigger?-1
184:Who Pull the Trigger?
“SINO BA KAYO?” Nagkatinginan kami dahil sa sinabi ni Mama. Pansin ke ring biglang nagbago ang ekspresyon nito.
“Mama,” sambit kong hinawakan ito. ” Ako po si—‘
+25 Pom
“A…” anitong biglang nagkamot nang ulo at alanganing ngumiti. “Ikaw si Maganda,” anitong nawala ang kaseryosuhan sa mata. “sabi ko sa’yo marami akong pera. Pero sekreto lang talaga ha. Para sa mga anak ko ‘yan,” nanlalaki pa ang mata nito sa sinabi.
“Mahal halika na,” yakag ni Dad dito. Pero kita kong bigla na lang ratigilan si Mama at napatitig kay Dad.
“Ayaw ko sa’yo.” nakasimangot nitong tangi na humawak pa sa braso ko. “Ayaw ko sa kanya, maganda?”
tila batang sumbong nito.
“Sige ho, pero lumabas na ho tayo, Mama” yakag ko na rin dito na kaagad na ring tumango.
Kusa rin nitong isinara ang pinto at may kung anong pinindot sa wall kaya nagslide palabaas ang isa pang pinto na katulad nang pader. Kaya nawala na rin ang switch na pinindot nito kanina para mabuksan ang pinto. Para na iyong ordinaryong pader at nang pindutin nito ang button sa likod nang shelf, kusa na ring sumara ‘yon. Na parang walang pintong nabuksan kanina.
“Mama, natatandaan mo ang mga bagay na ‘yon. Ibig bang sabihin may naalala ka na?”
“Sa akin ‘yon kaya alam ko… ganun,” kibit balikat nitong sagot. At sa nakikita ko may nagbago sa ekspresyon ni Mama. Nawala na ang inosente nitong tingin at ngiti. Napalitan iyon nang pagtataka.
Palabas na kami nang library nang matigilan itong napatitig sa harapan nang malaking salamin. Kita kong nanlaki ang mga mata nito. At napahawak sa mukha.
“Mahal ayos ka—” hindi na natapos ang sasabihin ni Dad nang basta na lang itong tinabig ni Mama at gusot ang mukhang napatitig kay Dad. Saka nito hinawakan ang ulo nito at basta na lang sinabunutan ‘yon.
“Sino ‘yan,” bakas ang takot sa mukha nito. Humakbang pa ito paatras.
“Mama ikaw po ‘yan, may problema ba? May masakit ba sa’yo?” di ko maiwasang mag–alala sa nakikita kong kalituhan sa mukha ni Mama. Hanggang sa bigla na lang itong tila kandilang naupos at mabilis na nasalo ni Dad bago tuluyang bumagsak.
“Charlene gumising ka, mahal, anung nangyari?” panic na tawag nito ni Dad.
“Tatawag ako nang ambulansya,” ani Zade na mabilis nang nagdial sa phone nito.
“Ano bang nangyari sa kanya?” panic na tanong ni Dad na binuhat na si Mama para ihiga sa sofa.
“Iyong ekspresyon niya kanina, sa tingin ko may naalala na siya,” ani Dad.
“Iyon din ang iniisip ko Dad, sana nga po.” sambit ko. Mas magiging masaya kami kong maalala na kami ni
184 Who But the Trigger? 1
Mama
FLASHBACK
“ATE CHARLENE,” mapalingon si Charlene sa babaing tumawag dito. Si Percy isang reporter at kaibigan niya. “Pa rides naman ako,” nakangising ungot nito.
“At bakit ko gagawin ‘yon? Hindi mo pa nga nagagawa ang pinagagawa ko eh?” pinagcross ni Charlene ang braso sa harap nang babae. Pero sarkastikong ngumisi ito at iwinagayway ang hawak na envelop.
“Sa tingin mo ba, magpapakita ako nang walang good news. Iba rin talaga ang Daddy mo, nagkakalat nang
lahi,” palatak nitong naiiling pa.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)