Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 358

184.Who Pull the Trigger?-2

Ano bang magagawa ko, iyon ang bilin ni Dad,” sagot niya saka binuksan ang envelop. Subalit ganun na lang ang gulat niya nang makita ang mga larawan.

Nakakatawa ano?bakas ang kapilyahan sa mata ni Percy ng lingunin siya nito. Akalain mong yong maldita mong bestfriend at iyong taong hinahanap mo stepbrother niya. At kapatid at halfsiblings mo naman iyong lalaki. Ang gulo,naiiling na pumatatak ito. mas madali pa atang kausapin mo na lang ang asawa mo eh. Gusto mo puntahan na natin ngayon, witness mo ako. Ang kapal ng mukha niya pagkatapos niyang makinabang sa lahat ng tulong mo, para umulad ang negosyo niya. Tapos ganito ang gagawin niya

sa’yo.

Siguro kasalanan ko rin, natakot akong baka pera lang rin ang magustuhan sa akin ni Gaston. Alam mo naman ang nangyari noon, diba?

Kaso ngaay ewan, ang gulo na tuloy nang love life mo. Nasa’yo na ang lahat. Ganda, kayamanan at koneksyon. Pero hindi ka pa rin naging masaya. Hindi talaga perfect ang buhay ng tao.”

Madami pang sinabi si Percy pero si Charlene, nakatuon na lang ang atensyon sa larawang nasa harapan nito. Kapatid niya sa ama ang binatang laging kasama ni Daisy. At wala kaalamalam si Daisy na anak si Eric nang pangalawang asawa nang ama nito.

Sige, puntahan na natin ngayon si Gaston. Sapat na siguro ang mga nalaman ko para maniwala siya,naglamlam ang matang saad niya dito.

Siguradong magwawala yon kapag nalaman ni Daisy na alam mo nang traydor siya. Ay ang saya, gusto kong makita ang magiging reaksyon ni Daisy.

Para kay Yuri gagawin ko to, para malaman ng tangatanga kong asawa na si Daisy ang ahas sa relasyon

namin.

Tama yan, kawawa naman ang inaanak ko. Grabe nagawa mo talaga silang paghiwalayin, kayangkaya mo naman silang buhayin eh.”

Alam mong hindi ganun kadali ang buhay ko, ang kambal kong anak dapat hindi sila magkasama hanggang sa kaya na nilang protektahan ang mga sarili nila. Iyon lang ang paraan para mabuhay sila kahit ano pang mangyari sa akin.

Ano ba, kinikilabutan ako sa’yo. Umayos ka nga.

Hindi ko lang maiwasang maging advance magisip. Lalo may tulad ni Daisy na tusong kaibigan, at si Gaston isang malaking tanga. At ang mga kalaban ni Dad, alam kong naghahabol pa rin sila sa pera.Ewan, buti na lang di ako naging mayaman. Problemado man sa pera, at least pera lang ang inaalala ko,palatak ni Percy. Bakit siya pa kasi ang minahal mo, e kong si—”

Percy magkaibigan lang kami ni lan, parang kapatid lang ang turing ko sa kanya. Saka ayaw ko nang romantic relationship sa trabaho.

134 Who Bulk the Trigger 2

Okay sabi mo eh.

Ito ba ang kontact number ng lalaki?tanong niya dito.

Oo, galing ko ba? Guwapo rin iyong lalaki, infairness. Kaso para na siyang aso ni Daisy– ops sorry.anitong tinampal ang bibig. Pero hindi na rin siya nagkomento. Sinimulan niyang tawagan ang lalaki.

Ilang sandali nagring na rin ang phone nito.

NANGUNOT ang noo ni Eric nang magring ang phone nito. Ilang metro ang layo sa kotsing dinadrive niya, ay ang kotse nang kaibigan nang kanyang Ate Daisy. Naroon ang kaba sa dibdib niya sa nakatakdang gawin. Nakasetup na ang gagawing pasabog. Ang kailangan na lang niyang gawin ay pindutin ang controller na magpuputol ng break. At oras na bumanga ang kotse kusang tatagas ang gas tank ng kotse, na lilikha pagsabog dahil na rin sa mga gasolina na nasa trunk ng kotse.

Nagising ang diwa niya sa ring ng kanyang phone. Nagtataka man ay nagawa niyang sagutin yon. Hello, ikaw ba si Eric Alcala?anang tinig na kilala naman niya. Ang babaing mismong sinusundan niya tinatawagan siya. Kaya lalong kumabog ang pulso ni Eric.

Babakit anong kailangan mo?

Gusto sana kitang makausap, may kailagan akong sabihin. Sh*t!Percy babanga….malakas na sigaw ang na rinig ni Eric.

Walang break!panic na sigaw nang babae, at ganun na lang gulat ni Eric nang sumulpot ang isang kotse kaya mabilis niyang nakabig ang manibela. Sabay preno at kita niyang pagiwang nang kotse ni Charlene.

Inataki siya nang takot kaya sa halip na pindutin ang/remote, nabitawan niya yon nang bumanga ang kotse sa malaking kahoy

Putang ina!malakas na mura ni Eric at saglit na hindi nakapagisip. Subalit natagpuan niya ang sarili na tinatakbo nang mabilis ang sumalpok na kotse na mabilis nang sumilab ang apoy sa likod. Inataki siya nang labis na kaba. Kita niya ang babaing bumagsak sa kalsada at may mga dugo ang noo.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)