Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 359

185 Be

delete

  1. Be Honest-2

Ang cyst nya ulit ang dahilan nang pagbabalik nang sakit niya. Kaya kailangan niyang uminum ng gamot para doon. Hindi kasi siya komportable sa posibilidad nang next operation. Dahil na rin sa nangyari sa ama niya noon.

Mas kaya pa niyang isiping mamumuhay siya na walang mukhang makikilala maliban sa kanyang asawa. Kaysa ang isiping posibli siyang mamatay nang maaga at maiiwan ang kanyang mag-ina. Iyon ang higit na dumudurog sa puso niya ngayon. Kaya pilit niyang gustong mamuhay ng normal.

“Bakit may alarm ka nang ganitong oras?” usisa ni Clarence.

“Masama kasi ang pakiramdam ko, kaya uminum ako nang gamot. Dapat nasa tamang oras para di lumala,” depensa niya saka kinuha sa drawer niya ang kanyang gamot.

“Para ka naman palang tanga eh.” walang prenong lintaya nito.

“Puwede ba nasa office kita, huwag ka ngang mag-inis. Kung wala kang sagot na nakuha sa akin, umuwi ka na. Dapat alagaan mong mabuti ang asawa’t anak mo.” taboy niya kay Clarence na kusa na ring tumayo.

“Susubukan kong sabihin ulit kay Moira, sana lang.. huwag siyang magwala sa galit. Salamat sa oras. Nakakainis pero, alam ko namang tama ka.” asar na pag-amin ni Clarence na tuluyan nang umalis.

SA HOSPITAL

NATIGILAN ako pagpasok ko sa private room ni Mama Charlene. Hindi pumayag si Dad na lumabas kaagad ito nang hospital. Kaya nag-aatay kami nang result nang mga lab test nito. Paranoid si Dad, pero

alam kong nag-aalala lang ito kay Mama, dahil sa kalagayan nito.

Kita kong naka-upo ito sa kama at sapo ang noo. Saka iginala ang mata nito sa paligid na tila nalilito kaya pumasok na rin ako. Kaagad na rumihistro ang pagkagulat sa mukha nito.

“Mama, ayos ka na po ba? May dala akong pagkain.”

“Mama?” takang ulit nito sa mahinang tinig.

“Oho, ako po si Yuri Ann, mama,” pakilala ko dito sa pag-asang nakaka-alala na nga ito. At kita kong pagkabigla sa mga mata nito. Sa tingin ko epektibo ang mga gamot na ibinibigay kay Mama.

Mabilis akong napalapit dito.

“Pansin ko po nagbabago na ang ekspresyon n’yo. Sabihin n’yo ho Mama anong mga naaalala mo ngayon?” “Maliit pa iyong anak kong si Yuri, nagkataon lang ba o—” kusa itong natigilan na tila may naalala. “Puwede mo ba akong bigyan nang salamin,” hiling nito. Kaya binuksan ko ang bag ko para kunin ang dala kong press powder. Saka ko inabot ‘yon dito.

At ganun na lang ang gulat nito ng titigan ang sarili sa harap ng maliit kong salamin. Na napahawak sa mukha nito. “Anong–anong nangyari?” panic nitong tanong na bakas ang kalituhan sa mata.

delete

“Mama, magdadalawang taong gulang pa lang ako nang namatay ka sa isang pagsabog ng kotse kaya

Pagsabog

58

iyong aksidente–teka nasaan si Percy iyong kaibigan ko, panic na tanong nito, “nailigtas rin ba siya, sabihin mo!”

“Mama, hindi ko po alam ang tungkol sa kaibigan mo. Mag-iisang buwan pa lang mula noong makabalik ka sa amin, ilang taon ka sa isang mental hospital at—”

“Ano?” Bulalas nito.

“Mahigit twenty three years na po mula nang nangyari ang aksidents noon tuluyang natigilan si Mama at kita kong namuo ang luha sa sulok nang mga mata nito. Bakas ang kalituhan at takot sa mukha.

“Twenty three years–” garalgal at di makapaniwalang sambit nito.

“Kung ganun, nasaan si Percy? Si Eric niligtas niya ako at—” nagulat ako nang hawakan ako ni Mama. “Mama, si Eric po ang nagkulong sa’yo sa mental nang matagal na panahon. Pero huwag na po kayong mag-alala. Pinalaya lang siya pansamantala dahil siya ang tumulong para isiwalat ang mga kasalanan ni Tita Daisy. Kaya nakakulong na po ngayon si Tita Daisy. Hindi na siya makakalaya pa,” pag-aassure ko dito. “Ikaw ba talaga si Yuri ang-ang anak ko?” ani Mama na nakatitig pala sa mukha ko. “Opo Mama, si Clarence—sandali tatawagan ko…”

“Huwag…wag muna, please…” pigil nito sa akin. “May… may kailangan pa akong alamin. Iyong mga taong naging dahilan nang aksidente ko?”

“Si Daisy po ang may gawa noon Mama. At siguro iyong kaibigan mong si Percy ang napagkamalang ikaw, kaya nangyari ang lahat nang ito. Iyong si Alpha Villaventura po ang tumulong sa amin para malaman namin ang lahat. At isa po ang Daddy niya sa namatay dahil pilit iniimbestigahan ang nangyari sa’yo.”

“Si lan, patay na rin siya!” gulat na sambit nitong tuluyang ikinaiyak ni Mama kaya niyakap ko ito.

“Tahan na po, maayos na po ang lahat. Nakulong na ang taong may gawa nito. Kaya huwag ka nang matakot Mama. Masaya ho akong okay ka na,” basag ang tinigna sambit ko.

“Patawad anak, kung—”

“Wala ka kasalanan Mama, biktima lang tayo ng mga taong makasarili na tulad ni Tita Daisy” “Kaya mo bang kontakin si Eric alam mo kasi anak— siya ang….” anito pero kusang binitin ang sasabihin. “kailangan ko siyang maka-usap. At dapat ko ring makita si Daisy—anak,” bakas pag-aalangan sa salita pagtawag nito sa akin ng anak. At nauunawaan ko rin ito. “Pero puwede bang huwag muna nating ipaalam ang lahat sa iba, lalo na ang sa ama mo.” Kita kong tumalim ang mata nito. “Alam kong may kinalaman rin siya sa aksidenting na nangyari noon.”

“Ano ho? Pero Mama, si Dad…”

“Ang ama mo hindi kasing buti nang inaasahan ko. Alam kong may kinalaman rin siya sa aksidente namin,” giit nitong ikinatigalgal ko.. “Iyong kotse na bumanga sa amin, nakita ko ang taong sakay nang kotse na

‘yon” dama kong paghlypit ng kamay ni Mama sa braso ko.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)