*
“Si Eric Alcala, ang taong tinulungan mo at ginawa mong alalay. Siya lang naman ang anak ng ikalawang asawa nang ama mo. Tyong babaing sumira sa pamilya mo na kinamumuhian mo.”
“ANONG sinasabi mo?” nanlaki ang mga mata ni Daisy sa sinabi ni Charlene.
“Natatandaan ko pa no’n, sabi mo. Sisirain mo ang buhay nang babaing ‘yon, pati ng mga anak niya. At nagawa mo hindi ba, kaya lang inalagaan at tinulungan mo pang makapag-aral ang anak niyang iniwan niya sa isang ampunan, tsssk…tsssk.” naroon ang panunuya sa tinig ni Charlene. Kaya muli na naman siyang napaatras.
“Si Eric?”
“Nakakatuwa diba. Hinayaan mong maghirap ang dalawang kapatid mo sa ama dahil sa galit mo. Pero inampon at tinulungan mo naman ang anak nang babaing kinamumuhian mo. Ang ironic diba? nakatawang saad ni Charlene.
“Buwisit ka!” sigaw ni Daisy.
“Anong sinabi mo?” Nanlaki ang mga mata ni Daisy nang makita si Eric. Pero si Charlene, mukhang hindi man lang nagulat. Na para bang alam na nitong darating si Eric para marinig ang rebelasyon ni Charlene. Pero bumaha naman ang pagkagulat sa mata ni Eric nang makita si Charlene.
Pero sigurado si Daisy relieve ang nakita niya sa mukha ni Eric pagkalipas nang ilang sandali.
“Sinasabi mo bang kapatid ko ang mga taong ‘yon?” muling baling ni Eric kay Charlene.
“Bakit ano bang pinagawa sa’yo ni Daisy para sa dalawang anak ng ama niya sa ibang babae?” ganting
tanong ni Charlene.
“Tumigil ka na nga, wala silang kuwenta kaya dapat lang silang masira. At ikaw totoo bang anak ka nang babaing ‘yon?” galit na asik niya kay Eric sa nanginginig na boses.
“Hindi ko alam ang sinasabi mo, wala akong pamilya at kung mayroon man, hindi ko sila kilaia,” kita niya. ang pagtangis nang bagang ni Eric. “Wala akong paki-alam sa inang nag-abandona sa akin. At ngayon pa talaga?”
“Oo tama, too late na. Pero kong hindi nangyari ang aksidente na kagagawan n’yo rin naman. lyan dapat ang sasabihin ko sa’yo ng tawagan kita bago ang aksidente. Hindi sana ganito ang lahat. Hindi sana nadumihan ang mga kamay mo dahil sa isang sakim na tao,” bakas ang simpatya sa mata ni Charlene para kay Eric kaya lalo siyang nakadama ng irritasyon.
“Tumigil ka na sa mga kasinungalingan mo, Charlene! Huwag mo akong lukuhin! Papatayin kitang babae ka!” malakas na sigaw niya dito pero tila wala nang narinig pa si Charlene.
Binalingan nang malamig na titig si Natasha.
“Ikaw?” anito kay Natasha. “Ikaw si Natasha hindi ba? Kung nandiyan ka at patay na si Gener, ibig sabihin
lang hindi ka naging mabuti sa anak ko, bakas ang kombiksyon sa boses ni Charlene.
“An-ano?”
“May anak kang babae hindi ba?” ani Charlene pero hindi namakasagot si Natasha. Dahil labis ang pagsisi sa mata nito.
Isang bilyon ang nawala sa kanya dahil naging makasarili siya at gustong makuha ang lahat.
“Nasa isang mental hospital po ang anak niya, Mama.” sagot ni Yuri.
“Ganun ba? Malalaman ko rin naman ang lahat, at sisiguruhin ko sa’yong pagbabayaran mo ang bawat katiting na kasalanan mo sa anak ko. Kaya magpakasaya ka na ngayon pa lang.” Matalim ang matang banta ni Charlene dito. Habang kababakasan naman nang takot ang mata ni Natasha.
“May gusto pa akong sabihin sa’yo Eric, sumunod ka sa akin,” ma-autoridad na utos fri Charlene kay Eric.
“Sandali, totoo ba ang lahat nang sinabi mo?” makikita ang pagkalito sa mata ni Eric nang muli itong lingunin ni Charlene.
“Oo, kung narinig mo na ang kalahati nang katotohanan kanina, ang iba pa sasabihin ko, kaya sumunod ka,” iyon lang at tumalikod na si Charlene. Habang sina Natasha at Daisy, bakas ang kabiguar, sa mga mata.
“Bwisit!” tiim bagang saad ni Daisy. “Anak siya nang hayop na babaing ‘yon. Ang babaing sumira sa buhay ng mama ko! Hayop!” malakas na hysteria ni Daisy na ikinagulat nang mga naroon sa selda.
“Huwag kang sumigaw, d’yan,” bulyaw nang police na lumapit na sa kanila. “Kayong apat lilipat na sa City Jail,” utos nito saka binuksan ang selda.
“Hindi, ayaw ko!” tila wala sa sariling sambit ni Daisy. Naroon ang takot sa mukha nito. “Patayin n’yo na lang ako kaysa dalhin sa lugar na ‘yon.”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)