Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 362

  1. Fading-1

187: Fading

“AKO?” BULALAS ni Eric matapos sabihin ni Charlene ang tungkol sa relasyon nila.

“Oo, magkapatid tayo sa ama, ikaw, ako at si Gener.” paglilinaw ko dahil tila hindi pa rin itu makapaniwala sa mga sinabi ko. “Kaya hindi ko alam kung dapat kong ipagpasalamat na iniligtas mo ako nang araw na ‘yon. Pero ginawa mo rin akong baliw, bakit?” usig niya dito.

“Patawarin mo sana ako, natakot ako sa maaring gawin ni Ate Daisy kapag nalaman niyang buhay ka. Pamilya siya para sa akin, kaya hindi ko magawang aminin ang totoo. At para pareho tayong maging ligtas mas pinili kong itago ka na lang para maging masaya siya.”

“Dahil alam mong kaya niyang pumamang tao,” walang gatol na saad ni Charlene na ikinatango nang mabagal ni Eric.

“Iyong kapatid niyang nagawa niyan

idiin sa murder nang ina nila. Ikaw, ang mga detective, ang VP nang Montefalco Royal, si Gener at ang biktima nang car accident. Lahat ‘yon ginawa ko lang dahil sa utos niya. Kaya hindi mo ako masisisi kung ito ang mas pinili ko,” pag-amin ni Eric.

“Pero nang araw nang aksidente namin ni Percy, ibang tao ang dahilan kaya bumanga ang kotse namin.”

“Hindi ko nagawang pindutin ang detonating device–”

“Pero sumabog pa rin dahil sa mga gasolina na inilagay sa trunk nang kotse ko diba?”

“Oo… patawad.” bakas ang hiya sa mukha ni Eric. “Handa kong pagbayaran ang lahat ng maling nagawa ko.”

“Bayaran mo lang kung anong kasalanan mo. Iyon lang ang dapat mong aminin. Pagkatapos, bumalik ka bilang kapatid ko. Pamilya pa rin kita at hindi ko kayang baguhin ‘yon. Nabuhay pa rin naman ako kaya

hindi na ako magrereklamo pa. Ang mahalaga may pagkakataon ako para sa mga anak ko, kahit medyo

huli na,” ani Charlene sa naglamlam na mga mata.

Iniwan sila saglit ni Yuri para makapag-usap sila ni Eric.

r

“Pero bago ‘yon gusto kong malaman? lyong kotse na bumanga sa kotse namin. Nakita mo rin ba ang lalaking katabi sa passenger seat? Sigurado akong si Gaston ang lalaking ‘yon.” Deklara niya dito.

“Ano?” Gulat na tanong ni Eric. “Imposible ‘yon—”

“Pero siya ang sakay nag kotse na ‘yon, hindi ilusyon ang nakita ko, Eric. Alam kong si Gaston ang may gawa nang aksidente.”

“Pero nang araw na ‘yon nasa hospital siya, dahil may lagnat si Clarence.”

“Ano? Pero– Kung ganun sino ang taong sakay nang kotse na ‘yon.”

“Hindi ko alam, pero natitiyak ko sa ‘yong hindi ‘yon ang asawa mo.” Depensa nito, pero hindi pa rin

ctrl

197 Fading p

naniniwala si Charlene.

“Umiling si Charlene, “Kung hindi siya, sigurado akong mga tauhan niya. Walang kuwentang tao si Gaston, makasarili siya at makitid ang utak kaya hindi na nakapagtataka kung gumanti man siya dahil sa maling akala niya sa akin.”

“Hindi ko alam kung anong sasabihin ko tungkol sa bagay na ‘yon. Pero si Daisy hindi siya minahal ni Gaston kahit naging mag-asawa sila. Pinakasalan lang siya ng asawa mo para kay Clarence. Kaya hindi siya kailanman naging masaya sa piling ni Gaston.” mapaklang ngumiti si Eric.

“Hindi ko akalaing aabot sa ganitong gulo ang lahat. Ang gusto ko lang noon, isang lugar na maituturing kong ligtas at sa akin.

“Baka masyado akong naging makasarili dahil hinangad ko ang bagay na ‘yon.” mapait na dagdag ni Eric.

“Hindi pagiging makasarili ang ganun, Eric. Nagkataon lang na–maling tao ang napuntahan mo kaya kinailangan mong dumihan ang mga kamay mo para magkaroon ka nang lugar sa mundo. Isisi mo na lang lahat ‘yan sa tatay natin. At hindi ko sasabihing salamat sa’yo dahil buhay ako ngayon.”

“Hindi ko rin tatangapin ang pasasalamat mo, habang buhay kong pagsisisihang pinili kong maging duwag. para lang protektahan ang sarili ko. I’m sorry.” Nakayukong sambit ni Eric.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)