187: Fading-2
“Ayaw ko sa’yo,” tila batang asik ni Mama. Muntik na akong matawa buti nagpigil ako. Naki-usap itong huwag bangitin kay Dad na magaling na ito. Dahil gusto raw ni Mama na alamin ang totoo.
Hindi ko naman ito masisisi. Si Dad na rin ang nagsabi na niluko nito si Mama noon, at sinadya nitong saktan si Mama dahil sa mga hinabing kuwento ni Tita Daisy.-
“Pasensya na mahal, nag-alala lang ako sa’yo. Akala ko kong napaano ka na,” paliwanag ni Dad na humakbang pa palapit sa amin.
“Nagpilit na kasing umuwi si Mama, Dad namimiss na raw niya ang mga bata kaya pumayag na rin ako. Hindi na kita natawagan, sorry po. Ito kasing asawa ko, akala ata isang taon kaming hindi nakakapag-usap,” baling ko kay Zade na nakatingin lang sa mukha ko.
Hindi ko alam kung bakit parang ako lang ang gustong titigan ni Zade.
“Hayaan mo na, nandito na rin naman kayo eh, nakahinga na ako nang maluwag,” relieve na saad ni Dad na nilapitan na si Mama. “Uwi na tayo mahal,” yakag nito kay Mama.
“Ayaw… gusto ko dito ako,” madiing tangi ni Mama.
“Hayaan n’yo na ho Dad, may kuwarto naman si Mama dito. Doon ka na rin lang muna,” suhesyon ni Zade.
Habang sinusundan namin ng tingin si Mama na paakyat na sa hagdan. Patungo sa silid nang dalawang
bata.
“Okay, sige, mukhang wala na rin naman talaga akong magagawa eh,” napipilitang sang-ayon nito.
“Dad, si Mama sa tingin ko nakaka-alala na siya.” palubag loob ko dito. Ayaw kong direktang aminin kay Dad na nakaka-alala ni Mama. Pero ayaw ko rin namang manatili sa karimlan si Dad at isiping may sakit
pa rin si Mama.
Sa tingin ko kasi higit kanino man, ito ang nararapat na makaalam noon. Naniniwala akong misunderstanding lang ang sitwasyon nila.
“Talaga ba anak?” biglang nagkislapan ang mga mata nito.
J
“Oho, pero mukhang plano pa niyang i-sekreto kaya makisakay na lang muna tayo. At hayaan siya sa gusto niya. Mukhang malaki pa rin talaga ang galit niya sa’yo.”
“Baka nga, gusto ko na lang na isiping nagpapangap na lang siya dahil galit pa rin si Charlene. Sa isip niya kailan lang nangyari ang lahat, kaya nauunawaan ko. Pagsisikapan ko na lang na mapatawad niya ako.” Malungkot na saad ni Dad.
“Sana si Clarence, ganyan rin ang isipin niya para masabi na niya kay Moira ang lahat,” ani Zade na ikinatitig namin dito.
“Kinausap ka ni Clarence?” usisa ko?
ctrl
137 Pada
delete
300, neupunta siya sa office ko para maghanap frag makakausap, kaso mukhang hindi niya nagustuhan ang payo namin ni Javier,” nakangiting saad ni Zade.
“Kasi feeling ko inasar me lang si Clarence eh, tudyo ko kay Zade.
“Hindi ah, binigyan namin siya nang maayos na payo,” depensa nito.
“Okay sabi mo eh. Maiwan ko na muna kayo, magbibihis larg ako,” paalam ko sa mga ito.
“Akyat na rin muna ako, Dad.” Paalam rin ni Zade na kaagad na akong inakbayan.
“Ikaw talaga, iniwan mo talaga si Dad doon?” mahinang saway ko kay Zade.
“Okay lang ‘yon. Gusto ko ring mahiga muna bago ang dinner,” ani Zade.
“Masama ba ang pakiramdam mo?”
“Hindi naman, gusto ko lang makakita lagi nang maganda. Ikaw lang kasi talaga ang maganda sa paningin ko ngayon, Yuri” seryosong saad nitong ikinabaling ko dito. Hindi ko maiwasang mag-init ang mukha ko dahil doon.
“Ano ba,” naiilang na nag-iwas ako ng tingin.
“Ayaw mo bang tinititigan kita?” pamaktol nitong tanong.
“Hindi sa ganun, kasi naman nakakailang rin lalo na kapag nandiyan sina Dad,” pag-amin ko dito.
“Ganun ba, pero ikaw ang gusto kong titigan kasi, maayos pa rin aking mundo kapag nakikita kita,”
seryosong sagot nitong ikinatawa ko na lang.
“Okay, sige na nga. Titigan mo na lang ako hanggang gusto mo.” Di ko maiwasang mapangiti na lang. “Pero maiba ako, talaga bang gusto ni Clarence na sabihin kay Moira ang totoo?”
“Oo daw, sana lang magawa niya habang maaga pa. Siguradong malulungkot sila kapag nagkahiwalay sila,
diba?”
“Nasanay na rin akong dalawa ang anak natin, kung hindi nawala ang isang baby eh di tatlo na sana diba,” nasabi ko. Subalit hindi nakaligtas sa mata ko ang pagłamlam ng titig ni Zade sa akin.
r
“Kasalanan ko kaya nangyari ‘yon,” matamlay nitong sagot.
“Ikaw ba ang may gawa no’n? usig ko dito. “kaya hindi mo kasalanan, Zade.”
“Partly it’s my fault. Ngayong wala na si Atasha sa buhay natin. Mas maayos na ang lahat, diba.”
“At puwede nang ituloy ang kasal natin,” hirit ko na ikinagulat naman ni Zade. “Bakit ganyan ang reaksyon mo? Nagbago na ba ang plano?”
“Hindi sa ganun, kasi diba si Moira at si Clarence magpapakasal muna sila?”
“Tumangi si Moi sa church wedding kasi ang taba pa raw niya. Sino namang babae ang gustong ikasal nang hindi sexy diba. Kaya Puwede na nating ituloy ang anniversary wedding,” suhesyon ko pero biglang nagulat si Zade at napakurap-kurap pa.
ctrl
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)