Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 364

  1. Ang Payo-1

188: Ang Payo

“OKAY RELAX lang sir,” dinig ko ang utos ng Doctor. Natakot ako sa nangyari kagabi nang biglang naging blurry ang mukha ni Yuri sa paningin ko. Kaya wala kong choice kundi ang magpa ct scan ulit.

At habang gumagalaw ang kinahihigaan ko para ipasok ang kalahati nang katawan ko sa loob ng CT scan machine. Gusto kong hanapin ang sarili ko na dati matapang at hindi natatakot.

“Sir, relax lang ho,” dinig kong saad nang doctor mula sa speaker. “Hinga lang kayo nang malalim,” suhesyon nitong tila alam na kinakabahan ako. Hindi ko rin maiwasan kasi. Noon naman hindi ako natakot. Infact tinangap ko na sa sarili ko ang posibilidad na habang buhay na akong maging face blind.

Ilang ulit akong huminga nang malalim para kumalma. I focus my attention to my breathing hanggang sabihin ng doctor na ayos na. At kusa na ring gumalaw ang kinahihigaan ko para makalabas ako sa machine.

Nag-antay na lang kami nang isa hanggang dalawang oras para sa result. Kaya nagtungo muna kami sa waiting area. Gusto kong malaman kaagad ang resulta kaya handa akong mag-antay kahit isang araw pa.

“Sir ito,” ani Javier na siyang kasama ko sa hospital saka inabot sa aking ang isang bottled water. “Kanina kinailangan ko pang i-off ang phone ko para pigilan ko ang sarili kong tawagan si Sir Zen, kinakabahan ako sa’yo sir,” reklamo ni Javier na naupo sa tabi ko. “Sana kahit ‘yong parents mo na lang muna,” giit nito. “Iba

pa rin ang may suporta nang pamilya sa ganitong pagkakataon.”

“Bakit, akala ko ba pamilya mo ako ha?” pabirong usig ko kay Javier. Dinig ko ang pagtawa nito pero hindi na ako nag-abalang lingunin ito. Wala rin naman akong makikita sa mukha nito.

“Sumeryoso ka nga, Zade Larzon,” asar nitong saad na ikinalingon ko dito. Saka ito natawa. “Ganun ang pamilya, first name base o kaya depende sa tanda mo ang tawag sa’yo. Nakakailang kaya na tawagin kang ganun no,” reklamo pa rin nito.

“Hayaan mo na?”

[

“Ano ba kasing nangyari at bigla mong naisip ang pa ct-scan ulit. Kinabahan tuloy ako kaninang tumawag ka,” anitong bumuntong hininga.

“Kasi…kasi biglang nawala si Yuri sa paningin ko. Natakot ako. Ayaw kong hindi siya makita? Kasi baka-* “Baka mangyari ulit ang nangyari noon na hindi mo siya nakilala? Pambihira! Baliw ka rin talaga ano, sir Maniwala ka kasing magiging okay rin ang lahat. Baka madala sa operasyon–”

“Anong operasyon?”

“Ay putang ina!” Gulat na bulalas ni Javier nang sumulpot mula kung saan si Clarence.

“Huwag ka ngang magmura? Anong ginagawa n’yo dito?” usisa ni Clarence na bakas ang pagtataka sa

tinig.

ctri

doiste

“Eh ikaw anong ginagawa mo dito? ganting tanong ko

“May empleyado na nagkaroon nang injury during work hours kaya dumalaw ako,” paliwanag nito. “Eh kayo, bakit nga kayo nandito?” pangungulit nito.

“Excuse me, Mr. Dela Merced, sa office na po kayo ni Dr. Dytona,” informa nang nurse. Kita kung nabaling ang ulo ni Clarence sa nurse.

“Sandali, si Dr. Dytona ay isa sa mga neuropsychologist ng hospital na ito, diba? Bakit—”

“Tumahimik ka nga d’yan,” saway ko kay Clarence. “Umalis ka na,” taboy ko dito. Hindi ko na kailangan makita ang samo’t saring ekspresyon nito sa sandaling ‘yon.

“May sakit ka ba sa utak?” Giit pa rin ni Clarence. Pero iniwan ko na ito. Napasunod naman sa akin si Javier, at pagpasok ko sa opisina nang Doctor ay nakasunod rin pala si Clarence.

“Oh, hello Mister Saavedra, may maipaglilingkod ba ako sa’yo. May pasyente pa ako. I can-

“Hindi, in-laws ko si Zade Larzon, sino bang pasyente sa dalawang ‘to, Dok?” walang lingoy na tanong ni Clarence.

“Puwede bang lumabas ka na? Hindi ka kailangan dito.”

“Sige, lalabas ako pero tatawagan ko si Yuri, ano?” banta nito.

“Hindi ko alam na tsismoso ka pala,” pang-aasar dito ni Javier.

“Huwag mong kakalimutang kapatid ko ang asawa mo hindi tamang hindi niya alam ang mga pinaggagawa mo?” pikang sermon nito..

“Sa tingin ko mas mabuting may suporta nang pamilya, Mr. Dela Merced para sa ganitong kaso,” anang doctor kaya lalo akong kinabahan.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)