190 The Only Thing-1
Clai
190: The Only Thing-1
190: The Only Thing
“IS THAT ATASHA?” Napalingon ako kay Javier dahil sa sinabi nito. Kahit hindi malinaw ay nagawa kong sundan ang direksyon ng ulo nito. Pero sympre wala akong nakita o nakilala mga taong nasa di kalayuan.
“Nasa mental siya, Javier. Baka namamalikmata ka lang,” nasabi ko na lang.
“Ah.. baka mali lang rin ang nakita ko Sir,” ani Javier na nagkamot pa ng sintido nito. Pero muling ibinaling ang atensyon sa direksyong ‘yon. “Imposible nga naman, lalo na sa isang babaing baliw na ‘yon— hayaan na nga natin sir, tara na,” yakag nitong nauna nang humakbang kaya sumunod na rin ako.
“Pero parang siya talaga eh,” di pa rin nakatiis na komento nito nang makasakay na kami nang kotse.
“Napapraning na naman ang sixth sense mo Javier,” ani ko habang inilalagay ko ang seatbel
“Pero huwag mong kalimutang malakas ang sixth sense ko, Sir.” Depensa nito.
Kaya napalingon ako kay Javier. “Posible nga kaya, kasi last time may nangyaring withdrawa sa personal account nito kaya nag-alala rin talaga si Yuri,” nasabi ko. “Kaso nang pumunta naman kami nang mental hospital naroon naman si Atasha.”
“Hayaan mo na sir. Ako na lang ang bahala, tutal hindi ka naman papasok, dadaan na lang muna ako sa Mental Hospital. Baka di ako makatulog kapag di nasagot ang tanong ko.” anitong nagsimula nang magdrive.
“Bahala ka,” sang-ayon ko na lang dito. Sanay na ako sa ugali ni Javier, na parang batang hindi mapakali kapag hindi nasasagot ang tanong nito.
Pagkahatid sa akin ni Javier sa office ni Yuri ay nagpaalam na rin ito. Kaya ako na lang ang mag-isang nagtungo sa office ng asawa ko.
Kilala na rin naman ako ng mga empleyado kaya walang humarang sa akin pagsakay ko ng VIP lift. Pero bago pa sumara ang pinto ay sumakay ang babaing naka-uniforme nang utility. Nakasumbrero ito at may sout ring face mask na item.
At dahil alam ko namang empleyado ito nang Montefalco Royal ay hinayaan ko na lang na kasabay ang babae sa lift.
Pero nang malapit nang bumukas ang pinto nang lift sa 24th floor. Dama kong napatingin sa
Pin the Cindy Hang
akin ang babae kaya nilingon ko ito. Hindi ko tuloy alam kong ngingiti ako o baliwalain na lang ang babae
“Hmm…” dinig ko ang tila masayang reaksyon nito na inalis pa ang suot nitong face mask na alam kong tinitigan ako nito. Bago tuluyang tumalikod at sumara naman ang lift. Sa kung anong dahilan familiar sa akin ang tinig nito.
Kaya hanggang sa makarating ako sa floor nang office ni Yuri ay hindi na naalis sa isipan ko ang babaing kasabay ko sa lift. Dahil sa sarkastikong dating nang tinig nito.
Pero dahil hindi ko puweding ipahalata sa mga tauhan ni Yuri na inis ako, pagbukas ko nang pinto nagawa akong ngumiti.
“Hello Sir,” dinig ko ang tinig ni Emma na siyang nakatayo at kausap ang isang babae naka-upo sa puwesto nito. Alam kong si lya ang kausap ni Emma.
“Hello ladies, nandiyan pa ba ang asawa ko?” malapad ang ngiting tanong ko sa mga ito.
“Yes sir,” sang-ayon ng dalawang babae. Kusang kumilos si Emma para katukin ang office ni Yuri na kaagad ring sumagot. Kaya ako na ang kusang nagbukas nang pinto.
Pero hindi ko inaasahang nasa loob nang office nito ang isang malaking lalaki na nakilala ko naman kaagad. Si Alpha.
“Zade,” kita kong excited na mukha ni Yuri na tumayo para salubungin ako.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)