Clain
190: The Only Thing-2
“Ayos na, naka-inum na ako nang gamot saka, makita lang kita nawawala na ang sakit nang ulo ko,” totoong saad ko dito.
Pero bigla ko namang naalala ang sinabi nang doctor tungkol sa sakit ko. Na walang exception ang face blindness. At iyon rin naman ang alam ko. Kaya nakapagtataka rin naman talaga na tanging mukha lang ni Yuri ang kaya kong makita.
“Kung ganun—” natigilan ang sasabihin nito nang biglang bumukas ang pinto.
“Pasensya na ho sa abala, pero may nangyari ho Ma’am,” ang nag-aalalang imporma ni lya. Mabilis na binuksan nito ang flatscreen TV kung saan ilang sandali pa ay ibinabalita ang pagkasaksak umano kay Daisy ng kapwa inmate nito.
“Oh my…” sambit ni Yuri na bakas ang pagkabigla sa mukha. Patuloy pang nagbalita ang reporter kaya’t nakinig lang ako. Sarili pala nitong kapatid na mahigit sampung taon nang nakakulong ang sumaksak kay Daisy. At kasalukuyang kritikal umano ang kalagayan ni Daisy.
“Ma’am bakit n’yo ginawa ‘yon?” tanong nang reporter sa babaing kausap nito sa loob nang kulungan.
“Ginawa ko lang ang nararapat. Ilang taon na akong nagdudusa dito sa kulungan. Sa kasalanang alam kong ang mismong kapatid ko rin ang nagdiin sa akin. At least sa ngayon magaaan ang loob ko kahit habang buhay na makulong dahil may ginawa nga akong
masama.
“At gusto ko rin lang ipakita sa mga tao kung gaano ka lousy ang hustisya sa bansang ‘to.” matapang na saad nang babae na kaagad na ring tumayo. Nagpasalamat pa ito sa pagpayag nang reporter na puntahan ito sa kulungan para magpa-interview. “Hindi ko alam kung mabubuhay o mamamatay siya sa ginawa ko, pero isa lang ang sinisiguro ko. Magdudusa siya kung mabubuhay pa ang babaing ‘yon. Doon siguro, magiging patas para sa akin ang lahat.” may emosyong saad ng babae.
“Dapat siyang mabuhay para magdusa si Tita Daisy sa ginawa niya kay Mama,” ani Yuri na naglamlam pa ang mga mata.
“Ayos lang ‘yon, kung mamatay man siya. Ang pisikal napaghihirap dito sa mundo ang matatakasan niya. Pero hindi pa rin matatapos ang paghihirap nang kaluluwa niya sa kabilang mundo. Pero ng tapang noong babae,” nasabi ko.
“Oo nga Sir, taas ang noo niya sa harap nag kamera na parang walang pagsisisi. Sa tingin ko injustice ang naranasan niya kaya niya ginawa ‘yon.”
Claney
“Kahit pa injustice, hindi pa rin tama ang ginawa niya masbibigat lang ang kaso niya,” saad ni Yun. “lyon ang isang bagay na hindi natin dapat gagawin. Kahit gaano pa ka-unfair ang mundo sa atin”
“Sadyang may mga taong handang maghiganti para sa kanilang sarili kapag may pagkakataon, ani lya sa malungkot na tinig. Bago ito tuluyan na ring umalis.
Nagawa kong akbayan si Yuri dahil sa pag-aalalang nakikita ko sa mata nito.
“Nasa critical raw na kalagayan si Daisy, umasa tayong mabubuhay siya. Para patuloy niyang pagbayaran ang lahat nang ginawa niya,” ani ko kay Yuri na napatango naman.
“Oo tama ka, pero umuwi na muna tayo, baka nag-aalala na rin si Mama sa balita,” yakag ni Yun kaya napatayo na rin ako.
“Makikisabay ako ngayon sa kotse mo, si kasi Javier ang nagdrive sa akin dito kaya nagpahatid na lang ako.”
SAKABILANG banda.
Masamang tingin ang ipinukol ni Charlene sa asawa nang bigla itong tumayo at magpaalam sa kanya matapos makatangap nang tawag. Alam naman niya kung tungkol saan ang tawag dahil iyon kay Daisy.
“At talagang nag-aalala ka pa sa kanya, gusto niyang isigaw sa mukha ni Gaston ‘yon pero pinili niyang titigan lang ito.
“Mahal, babalik rin agad ako, okay.”
“Kahit hwag na,” mataray na sagot ni Charlene sa asawa.
“Sandali lang talaga ako, mahal. Ibibili kita nang ice cream pagbalik ko,” palubag loob ni
Gaston sa asawa.
Matapos kasi ang tawag ni Eric nalaman niyang nasa kritikal na kalagayan si Daisy. Nagkaroon umano nang internal bleeding habang inooperahan ito ng mga doctor.
Hindi siya nagmamadali para makita ito. Kundi para makipagkita kay Eric. Matapos nitong sabihing totoo ang sinabi nang kapatid ni Daisy sa interview. Na sinadya ni Daisy na i-frame up ang kapatid nito dahil sa galit nito sa ama.
Dahil alam niyang makakalimutan rin naman ni Charlene ang pag-alis niya. Hindi na siya nagpapigil dito.
SINALUBONG kami ni Aling Susan na nagmamadali. At ibinalita na nagagalit si Mama Charlene dahil sa biglang pag-alis ni Dad Gaston, matapos mabalitaan ang nangyari kay
190 The Only Thing-2
Daisy.
“Dapat kasi hindi na umalis si Sir Gaston eh, nagalit tuloy si Ma’am,” ani Ate Rita.
Claim
“Nasaan ho si Mama?” tanong Yuri sa mga ito. Kaagad namang sinabing nasa kuwarto ang
ina nito.
“Ngayon ko lang nakitang magalit si Ma’am Charlene. Huwag na raw namin papasukin si Sir Gaston dito sa bahay.” sumbong pa ni ate Rita.
“Buti nasa kuwarto ang dalawang bata. Sa tingin namin nagseselos lang siya,” tila kinikilig na kuwento ni Aling Susan sa mahinang boses.
“Oo nga ho, parang nag-alala kasi si Sir Gaston nang makita nila sa balita ang pagkakasaksak sa ex—hindi pala ex-wife dapat, kasi si Ma’am Charlene pa rin ang legal diba?” tila naguguluhang saad ni Ate Rita.
“Sige po kakausapin ko na lang si Mama.” presenta ni Yuri.
“Tawagan ko rin si Dad para pauwiin. Bakit naman bigla siyang umalis?” ani ko saka ko kinuha ang phone ko para tawagan ito.
Hindi naman nagtagal ay sumagot ito. ” Dad, nasaan ho kayo?”
“Papunta ako kay Eric anak, bakit?”
“Kay Eric? Bakit n’yo naman iniwan si Mama? Galit na galit tuloy siya akala niya ata pupuntahan mo si Daisy sa sa hospital?”
“Ano? Nagpaalam akong pupuntahan ko si Eric dahil tinawagan niya ako. May sasabihin raw siya tungkol sa babaing sumaksak kay Daisy. Mukhang gumanti lang talaga ang babae dahil siya ang idiniin sa pagpatay sa magulang nila noon.”
“Ganun ho ba? Pero kaya na ni Eric ‘yan, dad? Dapat hindi mo iniiwan ang asawa mo lalo na kung galit siya,” pabirong sermon niya dito.
“Eh kasi nga– nahihirapan akong intindihin ang Mommy n’yo. Napakasungit niya at higit sa lahat pinagbibintangan niya na ako raw ang nagtangang pumatay sa kanya noon. Nakakainis!” asar na reklamo ni Dad Gaston kaya hindi ko naiwasang matawa na lang dito.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)