193 The Evil in Good People-2
193: The Evil in Good People-2
“Bibisitahin n’yo rin ho ba si Miss Atasha, Ma’am?” Magalang na tanong ni Nurse Gia sa aki Tumango lang ako at sinamahan na sila nito sa west wing kong saan ang puwesto nang mga baliw namay kaso.
“Miss, itatanong ko lang kung saan n’yo nakita si Atasha kahapon?” seryosong tanong ni Javier sa nurse.
“Ah doon po sir, sa playground pa rin nila.” anang nurse sabay turo sa damuhan sa kanang bahagi namin. “Diyan sila madalas sa umaga at gabi. Kailangan rin kasi nilang kumilos eh
“Hinanap ko ang dating blue print nitong Hospital bago nasunog. May mga basement pala dito.” usisa pa rin ni Javier kaya napalingon ako dito.
“Yes, sir. Pero nakalock na po ang mga ‘yon at hindi sila pinapayagan sa area na ‘yon dahil delikado..”
“Pero kung gugustuhin niya makakapasok sila sa basement, seryoso pa ring saad ni Javi
“Ano bang gusto mong sabihin Javier?” Di ko napigilang usisa dito. Pakiramdam ko may r tukuyin si Javier.
“Naisip ko lang, ang mga taong wala sa sarili nila walang kakayahang mag-isip nang tam Pero si Atasha nagagawang magtago at nawawala nang matagal, saka biglang magpapa sa oras na parang alam niya kung kailan sila hahanapin nang mga nurse.”
“At hindi dapat kayang hulaan nang mga taong wala sa sarili ang pagkakataong ‘yon. Iyon ang sinasabi mo Javier,” si Alpha na tila alam na ang tinutumbok ni Javier.
“Ayon ho siya Sir?” anang babae saka itinuro si Atasha na naka-upo at nakatingin lang sa maliit na hotdog pilow sa tabi nito. Ito lang ang naka-upo sa mahabang couch na naroon, habang ang ibang mga baliw ay palakad-lakad. May isang nakahiga sa sahig na nakadipa may nakatanaw sa grills na bintana. May isang nakahiga sa single bed. Ang isa naman ay nakasandal sa pader na tila gumuguhit doon gamit ang kamay nito.
Everyone looks weird. Maliban kay Atasha na maayos at prenting naka-upo lang doon. Habang hinahaplos ang hotdog pillow nito pero sa iba naman ito nakatingin.
Naagaw ang atensyon nito sa isang baliw na nagpatalbog ng maliit na bola at tumama sa paanan nito. Masamang tingin ang ibinigay ni Atasha sa baliw na kaagad na tumakbo at t batang takot na nagsumiksik sa isang sulok.
“Maraming baliw ang takot kay Miss Atasha.”
193 The Evil in Good People 2
“Hindi ba siya puweding maka-usap?” tanong ko.
“Miss Yuri, delekado ‘yon. Baka bigla siyang manakit, pigil sa akin ni Alpha.
“Puwede naman, sir. May visiting area kami para maka-usap ang pasyente, ani Miss Gina. Saka sila hinatid sa isang silid na may harang na salamin. Para iyong tulad nang mga nakikita ko sa pelikula para sa mga bilango. May paikot na maliliit na butas para marining ang boses ng dalawang magkaharap.
Nagbigay nang instruction si Nurse Gia sa tatlong lalaking nurse para dalhin si Atasha sa kabilang bahagi. Hindi naman nagtagal ay naroon na ito.
Wala akong nakikitang reaksyon sa mata nito nang paupin ito nang lalaking nurse pahara sa amin. And to my surprise, ngumiti ito nang makita ako.
“Yuri,” nakangiting saad nito pero kita ko ang matalim nitong titig sa akin. “Diba ikaw ang kapatid ko?” Ipinatong nito sa ibabaw nang table ang hotdog pillow nito. “Kilala mo ‘to? Si si Baby Zen. Anak namin siya nang asawa mo…hahahaha.” nagulat kami sa malakas na halakhak nito. “Nagulat ka ba?” anitong biglang sumeryoso.
“Hindi, kasi wala ka namang anak, walang alinlangang saad ko. Gusto kong subukan ang kabaliwan ni Atasha.
“Ingit ka kasi kaya mo sinabi ‘yan. Si Baby Zen, anak namin siya ni Zade. At alam mo kahapon nakita ko si Zade,” masayang imporma nito. Lumingon-lingon ito at dumukwang inilapit ang mukha sa butas. “Pero—hindi niya ako nakilala. Alam mo ba ‘yon?”
“Ano?” Dinig kong sambit ni Javier?
“Paanong hindi ka niya makikilala?”
“Ewan ko, pero bigla ko ring naisip?” nagkislapan ang mga mata nito na tila excited sa sasabihin. “Naisip ko, maganda ‘yon. Kasi para siyang may amnesia,” anitong humagikgik
“Baliw ka na nga Atasha,” pikang saad ko, pero muli na naman itong tumawa nang
nakakalyuko.
“Ako ba ang baliw, baka kayo ang baliw? Kasi wala kayong alam, wala kayong mga utak.” Hindi nakaligtas sa mata ko ang pagtalim nang titig ni Atasha. Kababakasan nang galit a mata nitong nanlilisik pa nga.
Pero hindi ko rin maiwasang isipin ang sinabi nito. Si Zade hindi ito nakilala? Tanong nan bahagi ng utak ko. Paano mangyayari ‘yon kong nakakulong si Atasha sa mental.
“At saan mo naman nakita si Zade?”
193 The Evil in Good People-2
“hmm…hmmm,” nagulat ako nang takpan nito ang bibig nang isang daliri nito. “Shhh…. secret,” nakinging saad nito.
Claus
“Ewan baliw ka nga, bakit ba ako nag-iisip na posible pa siyang tumino,” nasabi ko sa dalawang kasama ko. “Siya nga pala, ituloy mo lang ang ilusyon mo, libre naman ‘yan. Pero uulitin ko sa’yo ‘yang hawak mong unan hindi, bata ‘yan. Dahil si Baby Zen, hindi ka niya gusto. Kasi hindi ikaw ang Mommy niya—”
“Punyenta ka Yuri!” malakas na sigaw nitong sinimulang paluin ang makapal na salamin.
“Anak ko si Baby Zen, ingit ka lang kaya ka ganyan. Mag-antay ka lang kukunin ko si baby Zen at iyong anak mo, kukunin ko rin siya at itatapon ko sa ilog o kaya sa dagat!” sigaw pa rin nitong bakas ang gigil.
“Sabihin mo Atasha…” sabat ni Javier. “Paano mo makita si Zade, pinuntahan mo ba siya?”
“Secret nga!”
“Kakaiba, para sa isang baliw. Mabilis kang sumagot at nauunawaan mo ang lahat at tama lahat nang sagot mo?” akusa ni Alpha. At hindi nakaligtas sa mata ko ang saglit na pagkabigla sa mata ni Atasha.
“Sa tingin ko, isa kang peking baliw, Atasha.” Deklara ko pero malakas na tumawa lang si Atasha. Kaya alam kong malinaw na nauunawaan nito ang mga sinasabi namin. “Kawawa naman, ikakasal na kami ni Zade next year. Sayang hindi ka nagtagumpay na makuha ang asawa ko,” pang-aasar ko dito.
“Buwisit ka!” gigil at matalim ang mga matang saad nito.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)