194: Hindi Makatarungan-1
194: Hindi Makatarungan
“ANONG SINASABI n’yo ha? Magrereklamo ako!” gigil na singhal ni Daisy sa jail Warden nang magrequest sila ni Natasha para maka-usap ito. Gusto nilang magsumbong dahil sa
ginawaga ng mga kasama nila sa selda.
“Ms. Llanko, ano bang irereklamo n’yo? Kinausap ko na ang mga tauhan ko dito. Pero kayong dalawa lang naman raw ang nagsakitan kaya kayo may mga pasa.”
“Ano!” sigaw na bulalas ni Natasha.
“Huwag kang sumigaw!” asik ng Warden kay Natasha.
“Sinasabi n’yo bang kami ang nanakit sa isa’t isa? Sa edad kong ‘to ngayon lang ako nasaktan nang ganito? At iyong mga preso na kasama namin pati ang ilang jail guard, kasabwat sila ni Charlene. Sigurado akong binayaran niya ang mga tao dito,” walang prenong akusa ni Daisy pero umiling ang warden na tila hindi pa rin na niniwala.
*Julius, papuntahin mo nga dito si Amasona,” asar na utos nito sa tauhan nito na kaagad namang tumalima. Pagbalik nito kasama na si Lydia at ang dalawang alalay nito.
“Hoy kayong tatlo, sinasabi nito, kayo daw ang nanakit sa dalawang ‘to? Totoo ba ‘yon?”
“Warden naman. Malapit na akong lumaya kaya bakit ko sisirain ang records ko para lang sa kanila?” nakanguso pang saad ni Lydia na muntik nang ikanganga nila Daisy. Ngumiti pa itong nakakasuya sa paninging niya.
“Kayo naman mga madam, hindi tamang nagbibintang kayo ha, saka nakita kayo nang mga jail guard na nag-aaway, kaya huwag n’yo nga kaming idamay,” baliwalang saad nito.
“Sira ulo ka ba, sinaktan mo kami kagabi, wala kang galang!” Bulyaw ni Daisy na ikinatawa
lang ni Lydia.
“Hoy madam. Ang paggalang kusang ibinibigay, hindi hinihingi. Kalukuhan na ‘to Warden, hindi tamang pagbintangan kami. Dahil hindi kami mayaman,” nagpapa-awa pang saad ni Lydia.
“Oh, siya. Kayong dalawa pumunta sa infirmary, at ipagamot n’yo ‘yang mga pasa n’yo.” Naiiling na utos nang Warden na ikinakuyom nagkamao ni Daisy.
“Ganito n’yo ba talaga tratuhin ang mga preso n’yo dito, hindi kayo makatao.” Gigil na asik ni Natasha sa Warden
4 Makataringan
Clam
“Makatao? Hoy huwag mo akong sermunan nang pagiging makatao ha! Dahil wala ka dito sa kulungan kong naging makatao ka lang sa labas, sira ulo ka ha!” Makikita ang pagtagisan nang bagang ng Warden.


VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)