< 208 Mister Sefenteen-1
208: Mister Seventeen-1
208: Mister Seventeen
“TEKA MISS.. I mean Yuri, dito ka sa kuwarto ko matutulog?” Napapalunok na tanong ko sa babaing naabutan ko sa kama ko. Dito ako nagpahinga kanina kasama nang dalawang makulit na bata. Kasi sabi niya kuwarto ko daw ito. Kaya bakit nandito siya?
Pero ako na rin ang sumagot sa sarili kong tanong nang napatingin ako sa malaking photo frame. Asawa ko nga pala siya. Pero lintek naman seventeen lang ang alam ko sa sarili ko.
“Hindi ko na magagamit ang dating guest room dahil pinagawa mong kuwarto nang dalawang bata ‘yon. Saka okay lang naman–”
“O–okay lang…teka,” napaatras ako nang ngumiti ito. Makinig ka ate– I mean ah.. basta. Siguro nga asawa mo ako pero kasi ano—” natigilan ako nang matawa ito. “Anong nakakatawa?”
“Ibig sabihin virgin ka pa noong 17 ka,” amuse nitong saad na ikina-init nang mukha ko. Lintek naman itong babaing ‘to. Oo maganda nga siya pero bakit ganun siya magsalita.
“Anong masama kung…” mahinang pag-amin ko. Nagkafirst kiss ako noong 15 ako pero never pa akong nagkaroon nang experience sa ganung bagay, saka bata pa nga ako.
“Huwag ka ngang oa Zade,” muli itong tumawa sabay kumpas nang kamay kaya natigilan naman ako. Ang ganda kasi nang tawa nito at ang sarap pakingan. “Diba friends na tayo. Kaya okay lang ‘yan.”
“O-okay lang na magkatabi tayo?” di makapaniwalang saad ko. My parents strictly told me to respect woman. At hindi magandang tingnan na magkatabi ang babae at lalaki sa kama. Pero mag-asawa nga pala kami. Muntik ko na tuloy matampal ang noo ko. Hay bakit ba hindi ko makuha iyon. Ang hirap naman kasi sa isang iglap may asawa na ako.
“Okay sige,” napilitang saad ko sabay lunok.
“Ang cute mo pala no, Zade kuryos tuloy ako kung sino ang first mo-kasi noong naging mag-asawa tayo…” “Ganyan ka ba talaga, paano kita naging asawa kong ganyan ka magsalita. Siguradong hindi magugustuhan ni Mama ang ganyan,” saway ko dito.
“Talaga, pero love na ako ngayon ni Mama saka–”
“Ngayon?” takang sansala ko dito? “Hindi dati?”
“Mahabang kuwento at ayaw ko nang pag-usapan natin dahil hindi magandang memory ‘yon para sa akin. Kaya naman, let’s make new memory na lang Mister Seventeen,” nakangising saad nito.
“Inaasar mo ba ako?”
“Hindi ah, natutuwa lang ako, kasi ang cute mo.” anitong nahiga na sa kama. Wala naman akong nagawa kundi ang maingat na maupo sa kama.
208 Mister Seventeen-1
“Umurong ka nang kaunti, ang lapit mo,” saway ko dito at tumawa na naman ito pero sumunod naman Ilang sandali pa ay pareho na kaming nakahiga sa kama. At ang weird nang pakiramdam ko.
Parang nanunuyo ang lalamunan ko dahil naamoy ko si ate–I mean si Yuri. Grabe ang hirap naman nang sitwasyon ko ngayon. Sa tuwing titingin ako sa salamin, hindi ko halos makilala ang taong nasa harapan
Kaya iniwasan ko na lang tumingin sa salamin, nakakafrustrate na hindi ko na makita ang dating sarili ko. Dinig ko ang pagbuntong hininga nito kaya napabaling ako dito.
She was staring at the white ceiling. “Ang weird mo,” nasabi ko.
“Alin ang wierd?” anitong nakatitig lang sa kisame.
“Kasi parang naiilang ako, pero komportable naman,” pag-amin ko
“Ako masaya,” anitong biglang tumagilid paharap sa akin na ikinagulat ko naman dahil nakatingin pala ako dito. Tila may init sa dibdib ko dala nang pagsalubong nang titig namin. “Masaya ako na nandito ka na ulit. Na wala ka nang sakit. Pero naging isip bata naman ang asawa ko?”
“Isip–ano? Hoy, bawiin mo nga ‘yon, hindi ako ganun!” depensa ko na hinirap ito. I was never childish alam ko ‘yon sa sarili ko. “Campus King at Varsity Player ako nang Basketball Team at President ng Student Council. Paano isip bata ang ganun, umayos ka nga.”
“Para sa akin ganun, pero ang cute mo, madami kang dinidate na babae no?”
“Ah…wala akong dinidate kasi… kasi akala ko mamamatay ako dahil sa blurry vision ko since last year-1 mean noong 16 ako.”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)