208: Mister Seventeen-2
“Sabihin mo paano tayo naging mag-asawa?”
“Hmm…dahil sa one night stand,” nakangiting saad nitong ikinabigla ko nang bangon kaya nasapo ko ang
ulo ko.
“Ano ba, bakit ka? May masakit ba? Bawal kang biglang bumagon Zade. Mag-ingat ka naman.” Panic na saway nitong napa-upo na rin. At walang babalang hinawakan ang ulo kong may bonnet. Nagbu-bonnet pa rin ako dahil maiksi pa ang buhok ko para hindi makita ang peklat nang tahi sa ulo ko. Hindi ko inaasahang magiging malaki ang peklat ko. Kaya hindi na ako makakapagclean cut.
“May masakit ba sa’yo ha?” bakas ang pag-aalala sa mata nitong maingat na hinaplos ang ulo ko. Hindi direktang tumatama ang balat nito sa balat ko pero dama ko ang fnit na hatid ng palad nito. Init na pamilyar sa pakiramdam ko at nagpapalakas nang t***k ng puso ko.
“Ayos lang ako, hindi masakit. Nagulat lang. One night stand talaga? Ginawa ko ba talaga ‘yon. Siguro kaya nagalit si Mommy sa’yo. Pasensya ka na,” ani ko pero tumawa ulit si Yuri.
“Hindi ganun ‘yon. May mga taong dahilan kaya nangyari ang ganun. Pero kalimutan mo na ‘yon. Maalala mo rin naman ‘yon eh. Mahiga ka na. Kukuha muna ako nang tubig baka kailanganin mong uminum ng gamot sa hilo. Huwag ka kasing biglang babangon.”
“Pasensya na.” mahinang saad ko.
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa silid ng mabilis na umalis si Yuri. Saka muli akong patitig sa kisame pero may umagaw sa atensyon ko– dalawang butiki ang naghahabulan kaya sinundan ko ito nang tingin. Nang bigla na lang nagsimulang maglampungan ang mga butiki at mula kung saan parang may kung anong eksena ang naglaro sa utak ko.
As if I saw that incident happened before. “Teka marami bang butiki sa bahay na ‘to?” Nagkakamot ang ulong saad ko. Masyado kasing pamilyar ang ganung eksena.)
Hindi nagtagal ay bumalik na si Yuri dala ang malaking tumbler.
May kinuha itong medicine box sa drawer nang lamp table. “Sabihin mo kung nahihilo ka ha.” anitong naglabas nang isang piraso nang gamot. Kahit no’ng nasa America kami ito na talaga ang nagbibigay nang gamot sa akin. May mga nakasulat na oras sa ibabaw ng takip nang bawat gamot para daw hindi magkamali.
Nag-aalarm rin ito kaya hindi ko na inaalala ang oras nang pag-inum ng gamot ko.
“Okay lang ako, matulog ka na rin. Siya nga pala hindi ka ba pumapasok sa trabaho?”
“Ah, hindi na muna si Mama na ang bahala doon. Tinutulungan siya ni Dad Gaston. Para maalagaan kitang mabuti. Kailangan mo munang matapos itong gamot mo sa loob nang sixty days. Para nerve vitamins na lang ang maiiwan.”
< 208 Mister Seventeen-2
“Nahihirapan ka tuloy dahil sa akin,” mabigat ang pakiramdan kong saad dito.
“Mas mahirap kung sumuko ka. Iyon magagalit ako sa’yo,” seryosong saad nitong ikinatitig ko dito.
“Ganun ka ka-inlove sa akin?” Biglang tanong ko na ikinatawa nito bago sumagot.
“Oo naman,” walang alinlangang sagot nito pero parang gusto lang niya akong paniwalain. Iba kasi pakiramdam ko eh. “Magpahinga ka na, kailangan mong makabawi ng lakas,” anitong hinila ang kumot para kumutan ako. Then she gently pat may shoulder na ikinatitig ko rin dito.
Ilang sandali pa ay nakadama na ako nang antok. Dahil sa magaan at relax kong pakiramdam dala nang mabagal na tapik ni Yuri sa braso ko. Madalas niyang gawin ‘to mula nang magising ako sa hospital. Kay
narerelax talaga ako.
Kinabukasan, dumating si Javier dala ang ilang papeles na para sa akin. Pagka-alis ni Yuri na nagdala nang juice para sa amin ay saka ako nagpasyang kausapin si Javier.
“Kuya–”
“Sir?”
“Huwag mo muna akong tawaging sir. Feeling ko hindi ko pa deserve ‘yon. Sabi mo matagal na kitang assistant diba? Iyong—‘yong asawa ko, talaga bang masyadong in love sa akin?” tanong ko kay Javier na ikinatawa nito. “Anong nakakatawa?”
“Kasi, uhmm,” tumikhim ito saka sumeryoso. “Ikaw ang masyadong in love sa kanya, ginawa mo ang lahat para magkabalikan kayo kasi hindi ka naging mabuti sa kanya.”
“Ako? Anong ibig mong sabihin.” walang alinlangang ipinaliwanag nito kung gaano ako nanging salbahe kay Yuri.
“Pero okay na ngayon, naging maayos na rin naman kayo kaya huwag ka nang mag-alala. Teka-hindi mo ba binabasa ang mga sulat mo?”
“Ha? Ang korny kasi…parang ang cringe nang matandang sariko. Masyadong madrama. Kaya isang letter lang ang binasa ako. Nabuhay naman ako kaya sa tingin ko hindi ko na kailangan basahin diba? Ganito na lang tulungan mo na lang akong maalala ang lahat. Kasi parang ayaw ni Yuri na maalala ko iyong mga nakaraan, limited ang mga sinasabi niya eh,” giit na reklamo ko.
“Kasi baka nag-aalala siyang mahirapan ka. Kaya—”
“Mas nahihirapan ako ngayon. Ang weird nang pakiramdam ko na magkasama kami—parang—basta tulungan mo ako, puwede ba ‘yon?”
“Ayos lang, para madali ka ring makabalik sa office. Nakapaghire na pala ako nang isa pang assistant tulad nang request mo bago ang operasyon mo. Gusto kong magbakasyon muna.“
“Kung ganun tulungan mo nga ako. Hindi ka magbabakasyon hanggang hindi ko naaalala ang lahat. Gusto kong malaman ang lahat nang makalimutan ko. Saan ba tayo dapat magsimula?”
< 208 Mister-Seventeen-2
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)