49: The Big Night
49: The Big Night
“AY GRABE naman ang ganda ng damit mo girl.” Excited na puri sa akin ni Moira na pinasadahan pa ng tingin ang dress ko. Nagkita kami sa parking area dahil hindi na ito
pumunta sa mansion ni Clarence. Mukhang nag–away na naman ang mga ito. Ngayon ang
araw ng company anniversary.
“Ang sabi ni Clarence gawa daw ng isa sa mga sikat na fashion designer ni Elise Smith ang evening gown na ito, nagliliwanag ka sa shining shimmering dress na ‘yan, so fab!” Di mapigilang komento nito.
“Para namang hindi rin maganda ang evening gown mo, you look dazzling, Moi. Bagay rin sa’yo ang long hair. Try mo kayang magpahaba na nang buhok,” suhesyon ko dito. Saka ko inayos ang wig na buhok nito. Muntik ko na nga itong hindi makilala dahil doon.
“Gusto ko lang maging ibang tao ngayong gabi. Since invited tayo dahil sa mga mayayaman nating friend,” nakangising saad nito.
Dahil naka–VIP card kami hindi na kami sinita nang security at tuloy–tuloy na kaming pumasok sa main entrance ng malaking hall ng Gala De Manila. Ito ang pinakamalaking
event/ function hall sa bansa.
Nagkikislapan rin ang flash ng mga camera para sa bawat guest napapakuha ng larawan. May mga reporters rin akong nakita.
“Ganito pala kabonga ang isang company anniv ng mga Elites?” Mahinang komento ni Moira. “Mas lalo kong napi–feel na hindi nga kami bagay ni Clarence,” nakasimangot nitong saad.
“Gusto ka ni Clarence, hindi lang talaga siya expressive. Kaya intindihin mo na lang kaysa nag–aaway kayo.”
“Totoo ba, may anak na babae si Senador Gaston?” napalingon kami sa pag–uusap ng mga babaing naroon. Kanya kanyang kumpulan kasi sa table ang bawat gropo. Maraming politko akong nakikilala at ilang artista rin.
“Everyone seems enjoying the soiree. Madami rin palang marites na mayayaman,” naatawang bulong sa akin ni Moira. “Ngayon na ipapakilala si Tasyang bruha, sana huwag siyang magkalat ngayong gabi.” nakangising bulong sa akin ni Moira.
“Kaya nga ayaw ko sanang pumunta. Baka magwala ‘yon na kapag nakita ako.” Kung ako lang ang masusunod ayaw ko talagang pumunta.
49 The Big Night
Claim
“lyon ba ang inaalala mo o ang makita mo si Zade na kasama ang plastikada mong fake sister?” Tipid na ngisi lang ang isinagot ko dito. Maaga kaming dumating dahil iyon ang sabi ni Sir Gaston.
Two weeks ago nang magsimula ako sa office work training ko. Sa finance department ako inilagay kaya madaming naiinis sa akin sa office. Kasi nga paano raw ang isang undergraduate ay nasa finance department.
Kahit ayaw ko naman wala akong magawa. Ang utos pa ni Clarence pag–aralan ko ang finances ng company. So far madali naman kasi mabait ang manager at laging nakabantay si Mr. Oliver sa akin. Parang ito pa nga ang trainor ko eh.
“Oh MMM gy… girl ang guwapo ng asawa mo. Look, his coming to get you.” Napatingin ako sa direksyong tinitigan ni Moira. At kita ko nang si Zade na hindi maitago ang kakisigan sa suot nitong three piece suit. Wala pa ring kupas. Mukhang bagong gupit at shave rin ito. Hindi tulad ng unang pagkikita namin. Mukha itong puyat.
May photographer na kinuhanan pa ito ng larawan. But Zade gaze remain lock at my direksyon.
“Ayan na siya…” kinikilig pang saad ni Moira. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun na ito umasta ngayon. She used to hate Zade, kaya bakit parang gusto na akong itulak nito sa dating asawa ko?
AN HOUR Ago
“TITA AKALA ko ba sabi mo, my evening dress para sa akin si Dad, kaya bakit ito ang nandito sa room ko,” inis na reklamo ni Atasha. Sa mga tao sa mansion si Daisy lang kasi ang parang nagiging welcome sa kanya. Ito rin ang madalas na pumapansin sa anak niyang si Zen.
Nagkaka–oras naman si Gaston sa anak niya pero pakiramdam niya may kulang sa atensyon na ibibinigay nito para sa unang apo nito.
Ngayon pati ang magandang evening dress na inaasahan niya ay wala. Maganda rin naman ang dress, elegante at mamahalin. But it was not the limited edition she wanted. Hindi na kasi sapat ang pera niya para bumili nang magandang dress sa Pinks and Gown. Ang balita pa niya ka–collaborate na Pinks and Gown ang sikat na fashion enthusiast na si Elise Smith. Isa ito sa mga kilalang pangalan sa fashion industry. Mahigpit nga lang ito sa mga models nito at mahirap maging part ng team Elise.
Pero ayon sa bali–balita ay top rated ang lahat ng models nito. May upcoming fashion event pa ito na gaganapin sa susunod na dalawang buwan para ipakilala ang bagong dream team.
Sympre aware pa rin naman siya pagdating sa modeling at fashion event. It was her dreams to be a star back then. Pero higit pa rin ang pangarap niyang maging Mrs. Dela Merced
44 The Big Night
Claim
“Maganda ang dress hija. Bilisan mo na at nag–aantay ang make–up artist. We’ll wait for you downstairs.”
Kahit disappointed ay wala naman siyang nagawa kundi isuot ang dress.
Nang tapos na ang pag–aayos sa kanila ay natangap niya ang tawag ng magulang, telling her na gusto siyang isabay ng mga ito.
Hindi naman nagtagal ay dumating na ang mga ito. Kaya magkahiwalay sila nang sasakyan
ni Daisy.
“Sa wakas, makikilala ka na nila bilang Saavedra anak. I’m so happy for you.” naiiyak pang saad ni Natasha na hinawakan ang kamay nito.
“Honey ang make–up mo. Huwag mong ipahalatang excited ka, baka sabihin ni Miss Saavedra, pera lang niya ang habol natin. ” Nagkatawanan pa sila dahil sa sinabi ng kanyang
ama.
“Sige kunwari wala akong narining. Ganting biro niya dito.” Natural lang na maging masaya sila. Abot kamay na nila ang tagumpay. Oras na lang ang hinihintay nila.
Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa Gala De Manila. Halos mapuno na ang parking area ng mga mamahaling sasakyan. “Bakit ba ayaw akong bigyan ni Clarence ng ganyang kotse,” asar na lintaya niya.
Sinalubong sila ng usher na maggaguide sa kanila papasok.
“Naka VIP table ba ang parents ko?” Maarting tanong ni Atasha sa usher.
“Ah lahat naman po VIP table. Kahit ang mga empleyado na kasama sa event. Mag–enjoy po kayo,” magalang na sagot ng usher.
“Honey, ang ganda naman dito. Isa ito sa lugar na gusto kong puntahan. Sana anak sa susunod sa A–Hotel na ha.. Gift mo naman sa anniversary namin ng Daddy mo,” malambing
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)