50: Ang Totoong VIP
50: Ang Totoong VIP
“ANONG GINAGAWA mo dito?” Nakapamaywang na usig ni Atasha sa babaing suot ang damit na gusto niya. Nakita niya iyon sa latest features ng Pinks and Gown sa socmed. Nainlove daw si Mrs. Alejeros sa gown. It was the slimmer version ng gown na ipinakita sa post features.
Ang voluptuous newbie model at fashion designer na si Ayana Spencer ang nagdesenyo ang gown na iyon on the spot dahil na rin sa damage na nangyari sa dress ng model. And she like it the first time. Alam niyang babagay sa tulad niya ang dress at limited edition pa.
Kaya paanong si Yuri ang nagmamay–ari ng isa.
Lalo siyang nangigigil habang nakatitig sa babaing kinamumuhian niya. Pero kaagad siyang nakabawi at kumapit sa braso ni Zade na nagulat na napatingin sa kanya. Tila noon lang nito napansin ang kanyang presensya.
“Grabe, you dare come, sa company event ng ama ko ha? How presumptuous for a low class
b*tch!”
“Atasha!” may diing sambit ni Zade na tinabig ang kamay niya. Pero muli siyang kumapit dito. “Totoo namang low class siya, cheap at mang–aagaw.”
“Coming from you talaga, Tasyang B.” patuyang sabat nang side kick nito.
“At ikaw din, anong ginagawa nang mga walang class na babae dito sa importanting event ng pamilya ko?” Nilakasan pa niya ang boses para marinig ng ibang naroon sa malapit nila. “Ang babaing tulad mo hin—”
“Tumigil ka na Atasha!” Kita niya ang pagtiim bagang ni Zade pero matapang na
nakipagtitigan siya saglit kay Zade. She’s a Saavedra at walang makakapigil sa kanyang palayasin si Yuri sa event.
“Then make that woman leave Zade, nandito lang naman siya dahil nilalandi niya si Clarence diba? You see it yourself too, she’s worthless! Hindi siya nababagay sa ganitong lugar.” Maaring hinawi niya ang buhok. At kita niya ang ilang mga taong nakiki–usyoso na sa kanila. “Mang–aagaw siya kaya dapat lang na umalis siya dito.”
“Wala akong inaagaw sa’yo Atasha.” Kalmadong sagot ni ni Yuri sa namumulang mukha.
“Ohhh, Atasha-” ang kanyang ina na napatingin pa kay Yuri. “My dear daughter, finally nakita rin kita. Ang tagal ka naming hinanap ng Daddy mo.” Napakunot noo siya sa ginawang ‘yon
S Ang Totoong VIP
ng ina.
“Pasensya ka na. Hayaan mo at aalis na si Yuri dito, hindi ba anak.” Napangiti siya dahil doon. Expert talaga ang mommy niya sa mga ganung bagay.
Clam
“At bakit ako aalis may imbitasyon rin ako? And I’m not going anywhere.” Matatag na sagot ni Yuri na ikinapika niya.
“Ang tigas talaga nang mukha mo, pagkatapos mong agawin ang fiancée ko, gusto mong umeksena sa kapatid ko.. Tsss… malandi ka tala—-ahhhh.” lumikha nang ingay ang malakas na sampal ni Yuri sa kanya na halos ikatabingi ng mukha niya. “How dare you!”
“Enough Atasha! Have some manners!” Paangil na hinila pa siya ni Zade ng aktong susugurin niya si Yuri.
“She hit me!” Iritadong reklamo niya kay Zade. Kita niyang pagsilay nang ngiti sa labi ni Yuri. Pero wala siyang planong magpatalo sa babaing tulad nito. “Zade, I’m you— I’m your fiancee how coul—”
“Stop dreaming Atasha! You are not my fiancée anymore. You and I are nothing but strangers,” matalim nitong saad na lalong napasakit sa mukha niyang nasapo pa niya.
“Zade! Did you just see what she has done,” bakas ang awa sa tinig ni Natasha. “huwag mong gawin ‘yan kay Atasha siya ang ina ng anak n’yo.” Bulalas nito. At alam na alam niyang ipinagtangol siya nang ina. Kaya sa kabila nang sakit ng pisngi niya nagawa niyang ngumisi. “Yuri, anak umalis ka na lang kasi. Huwag mong sirain ang party ng kapatid mo— well I mean hindi mo nga siya kapatid but she was once part of our family. Kaya para na rin sa ikatatahimik ng lahat. Umalis ka na, anak.” Malumanay na paki–usap nito.
“Bakit siya aalis kung si Tasyang B ang gumagawa ng eksena, aber?” sabat ni Moira na makati ang dila.
“At ikaw lumayas ka na rin. Nagmumukhang cheap ang Gala De Manila dahil sa n’yong dalawa,” pababara niya kay Moira.
“Tama na ‘yan Atasha.” Napatingin siya kay Tita Gary ito ang kapatid ng kanyang ama. Kaya’t mabilis siyang lumapit dito. Mula nang malaman nito na kamag–anak siya hindi na siya tinarayan nito tulad ng unang beses. Pero hindi pa rin ito ganun kabait sa kanya.
“Tita, please paalisin mo na sila, they are trying to ruin the party. That woman hated me, kaya tingnan mo sinampal niya ko sa harap ng maraming tao.” sinamahan pa niya nang maluha–luhang mata ang sumbong dito.
“Aren’t you Yuri Ann?” baling dito ni Tita Gary. “I love your dress, hija.” puri nitong nakangiti na ikinasimangot niya. Hindi iyon ang inaasahan niya dito.
Ang Totoong VIP
Clasen
Lihim na napangiti si Gary, noong isang araw sinabi sa kanya ng kapatid ang tungkol sa suprisa nito sa company anniversary. Hindi nito sinabi nang derekta pero ang tanging sinabi lang nito.
“Ipapakilala ko sa araw na iyon ang anak ko, Gary you take care of her?”
“Si Atasha, hmm you knew I never like her.”
“No. Protect the lady wearing this dress at the party. She’s my real daughter. And make sure you keep your talkative mouth of yours until the announcement.” lyon ang malinaw na banta sa kanya ng kanyang kapatid.
“Atasha, they’re one of the VIP. Dahil bisita sila ni Clarence. Wala tayong karapatang magpaalis ng mga totoong VIP specially your brothers friend,”
“Pahiya siya, blehh…” pinanlakihan niya nang mata si Moira pero umismid lang ito.
“Mabuti pa samahan mo na ang parents mo sa table nila Atasha. Ako nang bahala dito kay
Miss Yuri, I’ll talk to her.”
“Okay fine tita,” wala siyang nagawa kundi sumang–ayon, pero masamang tingin ang ibinigay niya kay Yuri. Nag–iingat pa rin siya dito dahil may pagkamaldita rin kasi si Tita Gary. Mabait lang naman ito dahil anak siya ng kapatid nito. “Zade, let’s–” naputol ang sasabihin niya nang humakbang si Zade palapit kay Yuri.
“Puwede ho ba ninang, kausapin ko muna si Yuri,” nakiki–usap na saad ni Zade na ikinapanic niya. Kaya muli siyang napalapit kay Zade.
“Zade, huwag mo na siyang intindihin. Doon ka na sa table nila Mommy,” pinalambing pa niya ang boses, habang si Yuri poker face pa rin kaya lalo siyang napipikon.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)