“Makikinig ako Ma’am” kababakasan nang interest ang mata nang police. Kaya kusang sumunod si Daisy sa police para gawin ang statement nito. Kapag nahuli na si Natasha saka siya lalabas nang bansa pansamantala. Hindi niya hahayaang makulong siya.
Hindi!
PASULYAP sulyap si Tamara para sa pagkakataong makapasok sa silid ni Moira. Kahit hindi na siya tulungan ni Eric dahil basta na lang itong sumuko sa mga police. Wala pa ring makakapigil sa kanya na gawin ang nais niya.
Pero ilang oras na siyang nag–aabang ay hindi man lang natitinag ang dalawang security sa may pinto
nang kuwarto ni Moira.
“Peste! Ano siya VIP,”
“Oo VIP talaga ang asawa ko!” Muntik nang mapasigaw si Tamara sa tinig sa kanyang likuran. At ganun na lang ang panlalaki nang mata nito ng makita si Clarence paglingon nito. “Bakit ka nandito, Miss Fernandez?” matalim ang matang tanong ni Clarence sa babae.
Nag–uusig.
“Ka—kasi…ano?”
“Kasi ano, may plano nang kunin ang anak namin ni Moira! Kidnapping ‘yan Miss Fernandez. Ano bang pinaglalaban mo ha?” patuyang saad ni Clarence dito
“Wa—wala… gusto ko lang namang…. makabintang ka.” namumutlang deny nito.
“O bakit, huwag mong sabihing nagsimungaling si Eric tungkol sa plano mo na kidnappin ang anak namin at dalhin sa ampunan?” Tuluyang napaatras ang namumutlang si Tamara sa akusasyon ni Clarence.
“Hindi totoo…” natigil ito sa pagsasalita nang magring ang phone nito.
“Binalaan na kita diba, pero ayaw mong tumigil,” matiim na banta hi Clarence sa babae, “Sagutin mo na ‘yan baka nababaliw na ang nanay mong kunsintidor.”
Tarantang sinagot naman ni Tamara ang tawag. “Anak, may mga lawyer dito. Babawiin daw nila Thesa ang mga iniwan nang Daddy mo!” panic na saad ng ina nito na ikinalaki ang mga mata ni Tamara dahil doon. “Simula pa lang ‘yan Tamara. Kapag hindi pa kayo nagpakalayo–layong mag–ina. Sisiguruhin kong, wala kang mapapasukang trabaho sa bansang ‘to pati na ang kapatid mong kagagradwet lang. Kaya pag–isipan mong mabuti ang mga hakbang na gagawin mo.” Mabalasik na banta ni Clarence dito saka walang paalam na tinalikuran ang babae na naiwang tigalgal.
“Aniak, sino bang kausap mo d’yan. Umuwi ka na dito. Tigilan mo na ‘yan si Moira.” ang tarantang tinig nang kanyang ina sa kabilang linya ang nagpabalik kay Tamara sa realidad.
< 178 Walang Kakempi
“Pauwi na ako My.”
SAMANTALA
Relax na nakasandal si Natasha sa sofa habang nanonood ng TV. Akalain ba naman niyang may naipundar na di kalakihang bahay sa Laguna ang anak niya. Malayo ‘yon sa bayan pero mas ligtas siya doon.
“Bakit ang tagal mo?” ani Natasha nang sa wakas ay dumating na ang kanyang anak.
“Alam n’yo namang kailangan ko pang sumalisi są hospital. Ang hirap maging baliw no,” nakangising saad ni Atasha na basta na lang sumalampak sa sofa.
Oo nawala siya sa katinuan saglit dahil sa nalaman niya. Pero hindi ibig sabihin noon nabaliw na siya nang
tuluyan. Kinailangan lang niyang panindigan ang sitwasyon para makalabas ng kulungan.
“May pagkain ba tayo Mommy?” tanong niya sa ina.
“Oo, nagluto ako. Kaya lang ‘yong stocks natin, dalawa o tatlong araw na lang. Hindi ko kasi magamit ang
bank account ko, buwisit talaga.”
“Bakit naman hindi?”
“Eh paano kung matrace tayo nang mga police dahil sa bank transaction?” anitong ikinatawa ni Atasha.
“Mommy, wala tayo sa mga movies no. Sa pelikula at drama lang yan hindi ‘yan uso dito sa bansa natin. Baka nga nag–aantay na lang ang mga police na kusa tayong lumitaw. Nakapagwithdraw nga ako gamit ang online banking ko. Kaso kaunti na rin lang ang pera ko,” napasimangot na saad ni Atasha. “Huwag mo nang gagalawin, pupunta si Daisy, ngayon kaya magtago ka muna pagdating niya. Dadalhin niya ang pera ngayon. Naitago mo namang mabuti iyong mga usb diba?”
“Oo naman. Pero sigurado ka bang mapagkakatiwalaan mo ang babaing ‘yon. Baka ipahamak tayo ng Daisy na ‘yan ha.” kunot ang noong saad ni Atasha.
“Hindi naman siguro siya ganun katanga, kaya hindi gagawin ni Daisy ‘yon. At oras na gawin niya ‘yon gamitin mo rin sa kanya kong kinakailangan,” kompiyansang saad ni Natasha. Kaya napipilitang napatango
r na lang si Atasha sa ina. “Eh iyong kotse, ba safe ‘yan?” pag–iiba n ito nang paksa
“Oo naman, Mommy, pinapalitan lang nang kulay at fake na plate number kaya madali lang. Mabuti na lang talaga, naluwag sa mga baliw ang mga nurse at doctor sa mental hospital na ‘yon. Nagkakagulo sila dahil sa pagkawala raw nang VIP sa main building, kaya puwede akong magtagal sa labas.”
“May VIP pati sa mental huh? Malamang nagpapangap na baliw lang rin ‘yon.” natatawang saad ni
Natasha.
“Malamang, saka madali lang naman maglabas masok sa mental hospital na ‘yon. Kahit napakataas ng bakod. Anyway kumain na tayo. Bukas lalabas ako dadalawin ko ulit si Baby Zen.”
“Anak, ano ba? Kalimutan mo na ang batang ‘yon. Tangapin mo nang hindi nagtagumpayang inseminations, saka dapat umalis na rin tayo ng bansa pagkakuha ko nang pera. Ituloy natin ang plano.”
178 Watabe
75 Pors
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)